^

PSN Showbiz

Sarah Lahbati bigay na bigay sa ginawa nila ni Richard­

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi sukat akalain ni Sarah Lahbati na maka­kagawa siya ng isang love scene in front of the came­ras. Hindi ’yun basta-basta isang love scene, napaka­init na eksena ’yun at ang ka-partner pa niya ay ang kanyang boyfriend na si Richard Gutierrez.

Kahit medyo kabado at nag-aalinlangan kung ma­kakaya niyang gawin ang eksena sa Seduction, lubusan na lamang ibinigay ng batang aktres ang kanyang pagtitiwala sa kanyang direktor na si Peque Gallaga at sa maingat na pag-aalaga at pag-aalalay ni Richard.

“Wala akong experience sa paggawa ng ganung scene. Bago ang ganung scene for me kaya nga ina­la­la­yan ako ni Chard. But I really put all my trust in my director. Hindi naman niya ako pinabayaan,” sabi ng artista na magpa-Pasko na may boyfriend for the very first time.

“I thought my mom and I would be spending Christmas with just the two of us but Chard will be joining us. There is also a plan to go to Cebu to join his fami­ly pero plano pa lang ito, hindi pa sigurado.”

Ang Seduction ang unang pelikula ni Sarah with her boyfriend ay medyo daring agad ito. Makaka-love triangle nila ang isa pang magandang tisay at napaka-daring na artista, si Solenn Heussaff.

Imelda absuwelto na

Kinatigan at inabsuwelto ng COMELEC si Imel­da Papin tungkol sa usaping paglipat niya ng registration para makaboto sa San Jose del Monte, Bulacan kung saan siya nag-file ng kandidatura sa pagka-kongresista.

Isang Larry A. Gabriel ang nagreklamo sa Election Re­gis­trar Board (ERB). Kinukuwes­ti­yon nito ang paglipat at pag­­pa­rehistro ng singer sa na­turang lugar bilang botante pero mas pi­na­niwalaan ng COMELEC ang mga salaysay na galing sa panig ni Bb. Papin kaysa sa nagreklamo. Dapat daw ay liberal ang interpretasyon ng pagpaparehistro, ayon sa a­hensiya ng gobyerno, na ibinatay ang desisyon sa propes­yon at negosyo ni Papin at sa mga salaysay na may indikasyon na sa bayan ng San Jose del Monte naninirahan ang international singer na minsan nang nagkaroon ng mga scholar sa pamamagitan ng Bulacan State University Foundation.

Sa ngayon, siya ay naninirahan sa Pleasant Hills Subdivision na nasasakupan ng Brgy. San Manuel. 

Mikael mahihirapang mabawi ang GF

Sa episode ngayong hapon ng Sana ay Ikaw na Nga, biglang magbabago ang ihip ng hangin para sa lola ni Carlos Miguel (Mikael Daez) na si Doña Victoria (Alicia Alonzo). Ipauurong nito sa apo ang demanda nito laban kay   Olga /Cecilia (Andrea Torres). Magdedesisyon naman si Carlos Miguel na sa guest house na ng bahay niya patutuluyin si Cecilia  (Andrea Torres) pero tatanggihan nito ang plano.

With Cecilia going back to Gilbert Zalameda (Gabby Eigenmann), mahihirapan na si Carlos Miguel na mabawi pa ang kasintahan.

Galit ni Bong kay Lani walang kuwenta

Mismong ang manager nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Rep. Lani Mercado ang umaming sandaling nagalit ang senador sa eksenang halikan ng kanyang misis sa pelikulang ginawa nito. Pero agad naman itong napawi. Katunayan, pagkatapos nito ay nagawa pa nilang mag-dinner na magkasama na parang walang nangyari. Obvious din na hindi batid ng senador ang eksena, na baka hindi na ipinaalam sa kanya dahil hindi naman big deal.

It was just an ordinary kiss na pinagsasaluhan ng mag-asawa at hindi isang torrid kiss. Pareho rin namang professional actor ang dalawa kaya maiintindihan nila kung bakit may mga eksena silang kinakailangang gawin sa mga proyektong ginagawa nila.

vuukle comment

ALICIA ALONZO

ANDREA TORRES

ANG SEDUCTION

BONG REVILLA

CARLOS MIGUEL

PAPIN

SAN JOSE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with