^

PSN Showbiz

Joanna Ampil muntik pang ayawan ang Cats!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mula nang magbalik sa Pilipinas ang singer na si Joanna Ampil, walang tigil ang mga natatanggap niyang recognition sa music industry.

Bukod sa nakuhang best actress for a musical award sa nakaraang 25th Aliw Awards para sa kanyang modern-day Maria role sa Sound of Music na ginanap sa Resorts World kamakailan, nasundan agad ito ng major role bilang Grizabella sa Cats ni Andrew Lloyd Webber na gaganapin sa United Kingdom sa isang taon.

Sanay na sa malalaking stage production si Joanna at dagdag ang Grizabella listahan niya ng malalaking acting credits tulad ng Fantine and Epi­none in Lés Miserables, Maria sa West Side Story, Kim sa Miss Saigon, Mary Magdalene in Jesus Christ Superstar, at Mimi sa Rent.  

Ang musical na Cat ay isa sa mga longest-running show sa West End at ka­hit sa Broadway. Ang Memory ang audition piece ni Joanna. May 150 ar­tists lang naman ang nakakanta na nito kabilang na sina Barry Manilow, Johnny Mathis, Barbara Streisand, Celine Dion, at Shirley Bassey.

Kuwento ni Joanna, masyado siyang nadala sa kanta nung nag-audition sa harap ng direktor na si Chrissie Cartwright at sa choreographer na si Gillian Lynne. Napaiyak siya!

“Maybe that was how I won the part,” natatawang sabi niya sa isang interview.

Pero kahit nakuha siya, muntik-muntikan pang hindi tanggapin ni Joanna ang break dahil mapapatagal siya sa UK. Pagkaraan kasi ng maraming taon na na­walay sa kanyang pamilya sa Pilipinas ay ang makapag-record lang dito ng isang OPM album sa Viva Records ang tangi sana niyang gustong mangyari.

Mabuti na lang at napag-isip din ni Joanna na maaari rin naman niyang ma-reestablish ang sarili sa West End at malaking bagay ang Grizabella role. Kaya mula January hanggang September sa isang taon ay nagre-rehearse at nagpe-perform ang Pinay international star. Sampung malalaking siyudad ang iikutan ng Cats — Edinburgh, Aberdeen, Manchester, Wolverhampton, at Southampton, kabilang din ang Dublin sa Ireland at Oostende sa Belgium.

Nagpapasalamat naman si Joanna sa kanyang manager na si Girlie Rodis dahil naayos ang schedule at may panahon pa siya na makasama ang family and friends ngayong Kapaskuhan.

Ang Cats ay base sa libro ni T.S. Eliot na Old Possum’s Book of Practical Cats. Nagsimula ang musical sa West End noong 1981 at sa Broadway noong 1982. Nakatanggap ito ng Laurence Olivier award at Tony award bilang best musical.

ALIW AWARDS

ANDREW LLOYD WEBBER

ANG CATS

ANG MEMORY

BARBARA STREISAND

BARRY MANILOW

BOOK OF PRACTICAL CATS

GRIZABELLA

JOANNA

WEST END

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with