Pagiging Kapuso ni Lauren Young walang ingay, ni hindi pinag-uusapan!
SEEN: Present si LJ Reyes at ang kanyang anak na si Akio sa kasal ni Chariz Solomon noong Linggo. Hindi kasama nina LJ at Akio si Paulo Avelino dahil may show ito sa Amerika.
SCENE: Masipag mag-imbita si Arnell Ignacio sa kanyang mga kaibigan na panoorin ang stageplay na Sayaw ng mga Senyorita pero hindi siya namigay ng complimentary tickets. Noong Sabado ang huling pagtatanghal ng Sayaw ng mga Senyorita sa AFP Theater sa Quezon City.
SEEN: Ang apela ni Aubrey Miles sa Citibank Credit Card Company: “Please Lang paki-send ang message ko sa mga taga-Citibank na. Ito po ako magbabayad ng balance ko tapos ayaw n’yo pa rin activate. Next year, please wag nyo na ako padalan ng Card Citibank. Complicated n’yo. magbabayad na pero kailangan mag-wait ng 3 months to activate. Buti pa RCBC card, bayad ka go use it anytime!! Maliit na bagay pinapalaki buti nga nagbabayad di ba?”
SCENE: Lumipad sa Surigao del Norte ang mga news reporter ng mga TV network para sa coverage ng pagdating ni Pablo, ang bagyo na sinasabi na kasing lakas ni Typhoon Ondoy at Typhoon Sendong. Ngayon ang inaasahan na landfall ni Pablo sa Surigao del Norte.
SEEN: Walang ingay ang paglipat ni Lauren Young sa GMA 7 dahil hindi siya big star at prized talent ng ABS-CBN.
SCENE: Nakita ang pagsayaw ng Gangnam Style ni Department of Health Assistant Secretary Eric Tayag dahil ipinangangampanya niya na huwag gumamit ng firecrackers sa pagpasok ng 2013. Mahinhin ang pagsayaw ni Dr. Tayag ng Gangnam Style.
SEEN: Inspired ng fashion show ng Victoria’s Secret ang Christmas party ng Belo Medical Clinic bilang Victoria ang tunay na pangalan ni Dr. Vicki Belo. Nagpagawa si Dra. Belo ng pakpak ng anghel para sa kanyang costume na gagamitin sa kanilang Christmas party.
SCENE: Ang Magkumpare team nina Boom Vergara at Cheng Enriquez ang nagpaalam sa The Amazing Race Philippines ng TV5 noong nakaraang linggo.
- Latest