Charice at Cheesa Laureta, magpapatalbugan
MANILA, Philippines - Walang humpay na pagpupugay sa Original Pilipino Music (OPM) ang hatid ng ASAP 2012 ngayong Linggo (Disyembre 2) sa paggawad ng 24K Golden Voice Award sa Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha at ng Elite Platinum Award sa world-class OPM band na Side A.
Bukod sa pagbibigay ng prestihiyosong karangalan kay Lani, Side A, at sa pinakamalalaking OPM artists, sunud-sunod na world-class surprises ang tiyak na ikamamangha ng TV viewers ngayong Linggo kabilang ang hindi dapat palampasing collaboration ng international stars at certified Pinoy pride na sina Charice at Cheesa Laureta; na susundan ng makatindig-balahibong musical spectacle nina Noel Cabangon, Jaimie Rivera, Liezel Garcia, Allen Sta. Maria, Jerianne Templo, at ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra.
Abangan din naman ngayong Linggo ang espesyal na production number ng Awit at Aliw Awards winners na sina Bamboo, Jed Madela, KZ Tandingan, at Zia Quizon.
Patuloy na saksihan ang kakaibang galing ng OPM talents sa show-stopping concert extravaganza ng ASAP mainstays na pangungunahan nina Gary Valenciano, ZsaZsa Padilla, Vina Morales, Piolo Pascual, Christian Bautista, Erik Santos, Juris, Richard Poon, Jovit Baldivino, Angeline Quinto, at Martin Nievera.
Samantala, humanda naman sa kakaibang experience sa makapigil-hiningang ASAP Supahdance treat nina Cristine Reyes, Kim Chiu, Enchong Dee, Enrique Gil, John Prats, Iya Villania, Empress, Rayver Cruz, Ella Cruz, Myrtle Sarrosa, Louise Abuel, at Belle Mariano.
- Latest