^

PSN Showbiz

Pretty actress, sarcastic na kung sumagot

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa uli namin naiinterbyu ang pretty actress na ito na sabi ng press, malaki na ang ipinagbago mula nang gumanda ang takbo ng career at magkaroon ng love life. Kung dati’y mabilis siyang sumagot sa Twitter o ‘pag tini-text, ngayon hindi na at wala nang time lalo na sa pagdi-DM o Direct Message.

Ayaw maniwala ng press na dahil busy lang kaya hindi na sila masagot ng aktres dahil naging sobrang busy din ito dati, pero may oras siyang sumagot ‘pag tini-text o sa Twitter.

Minsan, sumagot sa tanong ng kaibigan niyang reporter at nag-effort mag-DM, pero one-liner na ang sagot at sarcastic pa ang sagot. Tinanong lang naman siya kung totoong may biniling mamahaling bagay, pero nagalit yata kaya sa halip na “No,” Milyonarya? Ang isinagot.

Gustong personal na ma-interview ng mga naunang nakilalang press ang aktres para maobserbahan at para mapatunayan kung nagbago na ito, wala pa nga lang pagkakataon.

Solenn at Sarah nag-UFC fight sa seduction

Every month, may pelikula si Solenn Heussaff.

Last November 28 at hanggang ngayon, showing ang ‘D Kilabots Pogi Brothers… Weh?! . Ngayong December, showing ang Sosy Problems, entry ng GMA Films sa 2012 Metro Manila Film Festival na fun daw gawin dahil comedy at kasama niya ang mga kaibigang sina Heart Evangelista, Rhian Ramos at Bianca King.

Sa January 30, showing naman at pambuena mano ng Regal Entertainment ang sexy at erotic movie na Seduction  na balik-tambalan nila ni Richard Gutierrez at first time niya kay direk Peque Gallaga. Naniniwala kaming sexy/erotic ang tema ng pelikula dahil pictorial pa lang, kung anu-ano na ang posing nina Solenn at Richard at kung saan-saan ginawa.

Si direk Peque na ang nagsabi na may isang eksena sina Solenn at Sarah Lahbati bilang sina Sophia at Trina na parang UFC fight. Nakisabay daw ang init ng eksena habang nasusunog ang bahay ng location.

Vhong umaming inayawan nga ang pelikula nila ni Marian

May fans pala si Marian Rivera na nagalit kay Vhong Navarro dahil inakala ng mga ito na ang comedian/TV host ang tumanggi kaya hindi natuloy ang pelikulang pagsasamahan sana nila ng aktres under Regal Entertainment.

 Kuwento ni Vhong sa presscon ng Unwanted  episode ng Shake, Rattle & Roll XIV: The Invasion, inaway siya sa Twitter ng fans ni Marian, pero hindi na lang siya sumagot. Si director Chito Roῆo ang nagbanggit nito sa presscon pa rin ng entry ng Regal sa 2012 MMFF, pero malinaw ang sabi nitong ang Star Cinema ang ‘di pumayag na matuloy ang project at hindi si Vhong.

Ang alam ni Vhong, dance movie ang gagawin nila ni Marian, nanghinayang din siya, pero malabo ring magawa dahil busy that time ang aktres sa Darna at iba pang project.

 

BIANCA KING

CHITO RO

D KILABOTS POGI BROTHERS

DIRECT MESSAGE

HEART EVANGELISTA

LAST NOVEMBER

MARIAN RIVERA

REGAL ENTERTAINMENT

SOLENN

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with