Alfred nangangarap ng international screening sa Supremo
Tagumpay ang premiere night ng Supremo sa Cinema 5 & 6 ng SM Fairview noong Biyernes.
Ang Supremo ang bio flick ni Gat Andres Bonifacio na pinagbibidahan ni Quezon City Councilor Alfred Vargas.
Maligayang-maligaya si Alfred dahil nagustuhan ng manonood ang pelikula na pinaghirapan niya ng 18-months.
Nadagdagan ang kanyang happiness dahil pinuri ng mga film critic ang acting niya sa Supremo. Marami ang nagsasabi na malaki ang tsansa ni Alfred na ma-nominate at manalo ng best actor award sa susunod na taon.
Showing sa mga sinehan sa December 5 ang Supremo pero ipalalabas din ito sa Cinemanila International Film Festival.
Dream ni Alfred na magkaroon ng international screening ang kanyang pelikula na hindi imposibleng mangyari dahil pang-international ang quality ng Supremo.
Pahiram… may rewind
May rewind ang pilot week ng Pahiram ng Sandali at mapapanood ito ngayong umaga sa GMA 7.
Ipalalabas uli ng Kapuso Network ang pilot week ng primetime show nina Lorna Tolentino at Dingdong Dantes para sa kapakanan ng mga naka-miss sa ilang mga episode ng programa.
Nagsimula noong Lunes ang Pahiram ng Sandali. Happy ang management ng GMA 7 at ang mga artista ng drama series dahil sa mga positive feedback na natanggap nila.
Marian buong linggong kumikita
Babaeng walang pahinga si Marian Rivera dahil mula Lunes hanggang Linggo ang kanyang trabaho.
Mabuti na lang, walang work ngayon si Marian kaya itsurang araw ng Linggo, magkikita kami sa isang lugar na hindi puwedeng sabihin. Bukas ko na lang ikukuwento sa inyo ang dahilan ng pagtatagpo namin ni Marian.
El Presidente malakas na naman ang laban sa best picture
Kahapon ang unang presscon para sa El Presidente, ang official entry ni Laguna Governor ER Ejercito sa Metro Manila Film Festival 2012.
Invited ako sa presscon pero hindi na ako nakapunta dahil maaga akong nagpupunta sa studio ng Startalk.
May mga usap-usapan na malakas ang laban sa best picture ng filmfest movie ni ER at pang-best actor ang kanyang acting. Kapag nangyari ito, mauulit ang tagumpay ni ER noong 2011 dahil siya ang nag-win ng best actor trophy at ang kanyang pelikula na Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story ang tinanghal na best picture.
Iwa inamin na ang pagsisinungaling sa kasal nila ng ex
Wah effect ang pag-amin ni Iwa Moto na kasal sila ng kanyang ex-boyfriend na si Mickey Ablan dahil noon pa lumabas ang kopya ng kanilang marriage contract.
Nagpaliwanag si Iwa tungkol sa pagde-deny nila ni Mickey pero dedma pa rin ang mga tao na sanay na sa mga artista na magsisinungaling pero umaamin din sa bandang huli. Puro pang-ookray ang tinanggap ni Iwa dahil sa kanyang pag-amin na ikinasal sila ni Mickey noong 2008.
- Latest