^

PSN Showbiz

AiAi nakokondisyon sa alkaline

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang katawan natin ay masasabing nasa tamang kondisyon kapag ito ay hindi acidic at hindi rin sobrang alkaline. Bagama’t napakaraming mabibiling mga produkto na diumano ay nagbibigay lunas sa iba’t ibang karamdaman, karamihan sa atin ay nagiging sobrang acidic dahil sa labis na pag-inom ng alak at soda, pagkain ng hindi tama, kulang sa ehersisyo, at maruming kapaligiran.

Ngayon, puwede na tayong magkaroon ng malusog na pa­nga­ngatawan sa pamamagitan ng pag-inom ng alkaline na tubig para maprotektahan ang ating sarili sa iba’t ibang sakit.

Ayon kay alkaline advocate AiAi delas Alas, isa sa pina­ka­magandang gamit na kayang ga­wing alkaline ang tubig ga­ling sa ating gripo ay ang Izumi ioni­zer mula sa Aqualipure. Sa pa­mamagitan ng Izumi, ang isang pamilya ay makakatipid sa pam­bili ng inuming tubig dahil ang isang catridge set ng Izumi ay ma­kakagawa ng alkaline na tu­big hanggang anim na libong li­tro. Malaking katipiran kung kayo ay bumibili ng P40 na tubig araw-araw.

“Maliban sa magandang antioxidant ang alkaline na tubig, ito ay napatunayan na nakakapagpatibay din ng ating mga buto sa katawan sa pamamagitan ng pag-alis ng ating mga acid, isang pa­ngunahing dahilan sa pagkakaroon ng osteoporosis,” ayon pa kay AiAi.

Para sa karagdagang kaalaman at katanungan, tawagan ang mga teleponong 0917-8967809; 0922-8309864; 2882231; 2883858; o bumisita sa kanilang website www.aqualipure.com.

 

ALKALINE

AQUALIPURE

AYON

BAGAMA

IZUMI

MALAKING

MALIBAN

NGAYON

SHY

TUBIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with