^

PSN Showbiz

Pagmamahalan nakapagpagising ng comatose!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagkakilala si Mang Tani at Glo sa Pag-asa. No­ong una pa lang ay umibig na si Tani sa kabaitan ni Glo at dahil sa tiyaga, napasagot niya ang babae. Na­subukan ang kanilang pagmamahalan ng minsan na-destino si Tani sa Cagayan de Oro. May nakilala siya doon na babae at nagkaroon sila ng panandaliang ugnayan. Nalaman ito ni Glo at para patunayan ni Tani na nagsisisi siya sa naging kasalanan niya, agad niyang pinakasalan si Glo.

Hindi naging madali ang pagsasama ni Tani at Glo nung simula. Nariyan na laging nakikialam sa ka­nilang relasyon ang nanay ni Glo. Madalas nila itong pagtalunan nung una pero kalaunan ay natuto rin si Tani na makibagay sa magulang ng minamahal. At dahil sa pagmamahal, sa bawat pagtatalo at hindi nila pagkakaunawaan ay nagagawa rin naman nilang malagpasan ang problema.

Magkakaroon ng job offer si Tani sa Australia. Ayaw pa ni Glo na tanggapin ni Tani ang trabaho pe­ro nakumbinsi niya ang asawa na para din ’yun sa ikabubuti ng pamilya. Ang hindi alam ni Tani, sa Aus­tralia pa malalagay sa matinding pagsubok ang kanilang pagsasama.

Nagbabakasyon si Glo sa Australia nang biglang sumakit ang ulo nito. Iisipin pa nila na baka migraine lang ’yun at kailangan lang ipahinga. Pero laking takot ni Tani na nung ginigising na niya ang asawa ay hindi na ito magising-gising. Agad na itinakbo ni Tani sa ospital si Glo at doon nalaman na habang natutulog pala ay na-stroke na ito.

Ooperahan si Glo pero sasabihin ng doktor na mas tumindi pa ang kondisyon ng misis. Nasa co­ma­­­tose state ito pero malaki ang tsansa na hindi na ito gumising pa. Kukumbinsihin ng doctor si Tani at ang mga anak nila na tanggalin na ang ventilator na tu­­­mutulong kay Glo para huminga. Hindi papa­yag ang mag-anak. Naniniwala sila na magigising pa si Glo!

Dalawang linggo ang lilipas pero hindi mawawalan ng pag-asa ang buong mag-anak, lalo na si Tani. Araw-araw niyang binabantayan si Glo. Kinakausap ma­igi, kinakantahan pa nga. Buo ang paniniwala ni Tani na magigising din si Glo. At pakikinggan nga ng Diyos ang panalangin ni Tani, nagising nga si Glo!

Totoo ngang makapangyarihan ang pag-ibig... at ’yun ang napatuna­yan nina Tani at Glo.

Huwag palagpasin ang tunay na kuwento ng bu­hay ni Mang Tani sa Magpakailanman, ngayong Sa­­bado pagkatapos ng Extra Challenge sa GMA 7.

 

ARAW

AUS

AYAW

BUO

EXTRA CHALLENGE

GLO

MANG TANI

SHY

TANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with