Solenn gusto nang maging misis
Kung siya ang masusunod, payag na si Solenn Heussaff na maging maybahay ng kanyang 31 taong gulang na businessman boyfriend pero dahil hindi pa naman ito nagpaparamdam na gusto na nitong itaas ang lebel ng kanilang relasyon kung kaya ini-enjoy pa niya ang kanyang pag-aartista. Wala namang pakialam ang kanyang boyfriend sa kanyang trabaho. Hindi ito ang tipo na kinakailangang magkasama sila parati at kailangang magpaalam siya rito kung nasaan siya at ano ang kanyang ginawa.
“May tiwala kami sa isa’t isa. Hindi siya ang tipong magseselos sa ginagawa ko o pagbawalan akong makipag-kissing scene. Basta ko ikinukuwento ko lang sa kanya ’yung mga ginagawa ko sa mga project ko para alam na niya kapag nakita niya halimbawa na may kahalikan ako sa Internet. He will know that it’s just a part of a movie or a TV show that I’m doing,” sabi ng very in demand actress-model sa ating local showbiz na walang problemang pumayag magkaroon ng kissing scene kay Jose Manalo sa isang pelikula na ginawa nila.
Pero kung handa man sa pag-aasawa ang magandang artista, ang pagkakaroon ng anak ay gusto niyang maganap kapag edad 30 na siya. Mga tatlo ang gusto niyang anak. At wish niya na kahit may asawa na siya ay maipagpapatuloy niya ang kanyang trabaho.
Tipo namang payag ang kanyang mapapangasawa sa plano niya. Abala ito sa kanyang negosyo sa Cagayan de Oro at hindi mahilig sa limelight. Nakikita lamang ito sa mga showbiz event kapag kailangan niyang samahan ang nobya na hindi naman madalas dahil hindi naman mahilig maglalabas si Solenn.
Jodi ayaw mabutasan sa eskuwelahan ng anak
Hindi pa naman nagbabago ang tungkulin ni Jodi Sta. Maria sa anak nila ni Pampi Lacson na si Thirdy. Siya pa rin ang araw-araw ay naghahatid dito, sumusundo at dumadalo sa mga okasyon sa eskuwela ng bata na kailangan ang presence ng isa sa kanyang parents. Kung hindi puwede si Jodi at saka pa lamang nagti-take over ang ama nito.
Ayaw ni Jodi na magkaproblema ang kanyang anak kaya siya palagi ang nakikita sa school nito. Ito ang sinisiguro niya, ang hindi mapag-usapan ang bata dahil may ibang nakikita sa school bukod sa kanya.
Matalino ang anak ni Jodi. Kahit hindi pa nito alam kung bakit naghiwalay ang kanyang mga magulang ay kilala na nito si Jolo Revilla at alam nito ang role na ginagampanan sa kanilang buhay na mag-ina. Tito ang tawag niya kay Jolo bilang paggalang pero iba naman ang kanyang Daddy Pampi. Hindi naman nagiging problema si Jolo dahil alam nito kung saan siya nakatayo pagdating kay Thirdy. Never nitong na-confuse ang bata sa kung ano ang posisyon niya sa buhay ng mag-ina.
Komedyante matagal nangarap ma-ging artista
It was a most happy occasion, ’yung presscon na dinaluhan ko para sa isang multi-vitamin na MaxVit, dating Revicon Max. Hindi ’yun tulad ng ibang presscon na napaka-hard sell. Hindi pinag-usapan ang produkto until during the presscon proper.
Bago ito, my colleagues Ian Fariñas and Romel Gonzales ay pinasaya ng brand ambassador ng MaxVit na si Joaqui Tupas sa kanyang mga kuwento tungkol sa kanyang pag-aartista. Napanood siya sa isang mahabang role sa Midnight DJ ng TV5 kasama si Oyo Sotto. Nasa ABS-CBN siya ngayon, sa Kabayan Tambayan ng TFC bilang myembro ng Cardio Boys.
Magaling na komedyante si Joaqui, walang ka-effort effort magpatawa pero, lumalabas ang sense of humor. Dream niya na maging artista. Buong buhay niya, palagi na lamang siya sa radyo. Habang panay ang bida niya, silent lang na nakikinig sa aming tabi si Carlo Fermin, product manager ng MaxVit, waiting for that opportunate time para mai-promote sa amin ang kanyang produkto.
Hindi na pala kailangan. Nang mapanood ko ang TV commercial nito ay naalala ko na ang MaxVit pala yung may sexy TV commercial. Maganda ang pagkaka-execute nito sa pamamagitan ng pagpapakita ng apat na pareha na very loving sa isa’t isa, na obviously mag-aasawa. I was told na later on na talagang mag-aasawa ang apat na couples na nasa commercial. ’Yun mismo ang nagagawa ng produkto, lalo na sa mga lalaking may asawa. Nagagawa nito na mabigyan sila ng energy to keep the romance burning.
Nagmaliw na ba ang init ng pagmamahal ng inyong mga asawa sa paglipas ng panahon? Huwag pabayaang magpatuloy ito. Huwag kang mag-take lang ng MaxVit, simulan muling hawakan ang inyong mga misis, get back into the habit of touching her, maghawakan ng kamay habang naglalakad, o magyakap maski nanonood lang ng TV. Kiss whenever you feel like doing so. Mababawasan ng malaki ang bilang ng mga mag-asawang naghihiwalay o nagpapa-annul. Pramis.
Jake aalis sa El Cielo
Aalis si Marco (Jake Vargas) sa El Cielo para hanapin ang kapalaran niya. Bibigyan siya ng isang kongresista ng trabaho.
May bagong character na naman na papasok sa series, si Arnaldo.
Ililigtas ni Marco si Teresa sa kapahamakan. Sa school naman ay patuloy na iha-harass si Angelina (Bea Binene) ni Rhoda. Magkakalapit lalo sina Angelina, Teresa, at Marian.
Ilan lamang ito sa mga highlight ng serye na nagtatampok sa magka-love team na Jake at Bea sa Cielo de Angelina na ngayon ay pinaaga na at mapapanood bago ang Nay 1-1 at Kusina Master sa GMA.
- Latest