^

PSN Showbiz

GF ni Christian naghihintay ng kasal

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Napakaprangka naman pala ng Singaporean girlfriend ni Christian Bautista. Napa­no­od ko ang guesting niya sa Kris TV at humanga ako sa sabi niya na hindi sila nagkarelasyon ng singer kung wala sa isip niya ang pag-aasawa. Isa ang marriage sa naging consideration niya sa pakikipagrelasyon.

Maganda ng aktres na nakasama ni Christian sa The Kitchen Musical at ngayon ay nagtatrabaho bilang disc jockey sa isang radio station dito sa atin.   

Paulo hindi tama ang sinabi

Huwag na huwag mong sabihin Paulo Avelino na wala kang interes sa award at baka isnabin ng mga miyembro ng mga award-giving body ang ginagawa mong pag-arte at hindi ka bigyan ng nominasyon dahilan sa kawalan mo ng interes.

Huwag ka na lang magsalita para hindi mo sila ma-offend and just continue with your good work. Huwag ka namang antagonistic.

Lovi kakayod para kay Grace

Pinupuri ko si Lovi Poe dahil seryoso ito sa sinabi niyang ikakampanya niya si Grace Poe Llamanzares sa pagtakbo nito bilang senador sa eleksiyon. Ipinakikita lang nito na wala ng hidwaan sa pagitan nila ng dating censor chief. At ang magkapatid, saan mo man anggulo tingnan ay dapat lamang nagtutulungan. Mabuhay ka, Lovi!

 

vuukle comment

CHRISTIAN BAUTISTA

GRACE POE LLAMANZARES

HUWAG

IPINAKIKITA

ISA

KITCHEN MUSICAL

LOVI

LOVI POE

PAULO AVELINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with