Sen. Bong P400 millIon ang target sa MMFF!
Scene : Si Mr. Henry Sy ng SM Prime Holdings Inc. ang nag-donate ng bagong tahanan ng Child Haus sa # 90 Mapang-Akit St., Barangay Pinyahan, Quezon City. Komportable ang pamumuhay sa Child Haus ng mga bata na iba’t ibang uri ng kanser ang karamdaman. Kumpleto sa facilities ang nasabing bahay.
Seen : Umaasa si Senator Bong Revilla, Jr. na aabot sa P400-million ang box office gross ng filmfest movie nila nina Judy Ann Santos at Vic Sotto, ang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako.
Scene : Pakikialaman ni Chito Roño ang design ng float ng Shake, Rattle & Roll Fourteen, The Invasion na gagamitin sa Parade of Stars sa December 23. Si Chito ang direktor ng official entry ng Regal Entertainment Inc. sa 38th Metro Manila Film Festival.
Seen : Nagpadala ng bulaklak si P-Noy sa burol ng direktor na si Celso Ad Castillo sa Siniloan, Laguna. Nakiramay si P-Noy sa mga naulila ng direktor na ihahatid ngayon sa kanyang huling hantungan sa Siniloan.
Scene : Ang report ng Box Office Mojo International sa resulta ng mga pelikula na ipinalabas sa mga sinehan sa Pilipinas noong November 14 hanggang November 18:
Seen : Ngayong gabi ang premiere screening ng Supremo sa SM Fairview Cinema. Graded A ng Cinema Evaluation Board ang pelikula ni Quezon City Councilor Alfred Vargas.
- Latest