^

PSN Showbiz

Pagpapaikot ni Larry kina Angelito at Raffy, lalong tumitindi

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hawak na ni Larry Samaniego (Eric Fructuoso) sa leeg ang pamilya nina Angelito (JM De Guzman) at Raffy (John Prats) sa mas tumitinding kuwento ng Angelito: Ang Bagong Yugto. Tuluyan nang nahulog sa kanyang bitag ang dalawa at maging si Rosalie (Charee Pineda) ay kumakagat na rin sa paing ginawa niya matapos itong pumayag sa alok niyang trabaho. Hindi pa riyan nagtatapos ang kasamaan ni Larry dahil gagamitin niya ang matagal nang hidwaan ng dalawa at kukunin niya si Raffy bilang bagong business partner para mas lalong pagbanggain ang mundo nila ni Angelito. Ano ang kahihinatnan ng dalawang pamilya sa kamay ni Larry? Hanggang kailan niya mabibilog ang utak nina Angelito at Raffy? Ano pa ang kaya niyang gawin mapasakanya lang si Rosalie? Huwag palalampasin ang lalo pang umiinit na kuwento ng Angelito: Ang Bagong Yugto, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng It’s Showtime sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

ANG BAGONG YUGTO

ANO

CHAREE PINEDA

DE GUZMAN

ERIC FRUCTUOSO

JOHN PRATS

KAPAMILYA GOLD

LARRY SAMANIEGO

RAFFY

ROSALIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with