^

PSN Showbiz

Demanda ni Amalia Fuentes laban kay Annabelle Rama, nabasura!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Noong last week ng October ang birthday ni Bisaya (Annabelle Rama) pero hindi siya nagkaroon ng bonggang selebrasyon dahil pinili niya na ipagdiwang ang kaarawan sa Cebu City.

May birthday gift na natanggap si Bisaya noong October 29 mula sa Quezon City Prosecutor’s Office dahil na-dismiss ang libel case na isinampa ni Amalia Fuentes laban sa kanya.

Sinampahan ni Amalia ng libel case si Bisaya dahil sa mga tweet nito pero pinawalang-saysay ng korte ang kanyang reklamo.

Wanted si Bisaya ng mga reporter na gustong makuha ang reaksiyon niya sa dismissal ng kanyang kaso. Hindi pa nagpapainterbyu si Annabelle pero nag-tweet siya kahapon:

“Ang sarap ng gising ko. Thank you Sto. Niño sinagot mo ang dasal ko na manalo sa lahat ng mga cases na sinampa sa akin. I just received a copy of resolution na dismissed ang libel case filed by Amalia against me. Nakalimutan ko ang lahat ng problema dito sa Manila, since I’m always in Cebu, at least malayo sa intriga.”

JENNIFER NAKIPAGTSIKAHAN KINA SEN. VILLAR!

May correction please ako. Binigyan ako ng Vista Land ng pitong tickets para sa concert ni Jennifer Lopez noong Lunes. Mali ang pagkaintindi ng ibang readers sa isinulat ko na mabuti na lang, hindi ako mahilig manood ng concert or else, maraming tickets ang hiningi ko mula sa Vista Land, ang real estate company nina Senator Manny Villar at former Congresswoman Cynthia Villar.

Ang basa ng iba, walang tickets na ipinadala sa akin ang favorite couple ko. Klarung-klaro ang isinulat ko na maraming tickets ang hiningi ko kung mahilig ako na manood ng concert.

Ang Vista Land ang major sponsor ng concert ni Jennifer kaya nakatsikahan siya ng Villar Family with matching photo op. Maraming salamat kina  Papa Manny at Mama Cynthia sa concert tickets na ipinadala nila sa akin na ibinigay ko naman sa mga kakilala ko na super-fan ni Jennifer.

PRISCILLA ANG LAKI NA NANG IPINAYAT

Ang laki na ng ipinayat ni Priscilla Meirelles,ang misis ni John Estrada na nagsilang ng kanilang baby girl noong February 2012.

Na-discover ko kahapon ang sikreto ng pagpayat ni Priscilla sa presscon na pinuntahan ko, ang Zerona PRO Rapid Weight Loss Non-Invasive Laser Lipo Treatment Machine.

Si Dr. Claudine Roura ang nagpaliwanag sa press ng magandang epekto sa katawan ng machine na makikita lamang sa mga branch ng Zerona.Foremost dermatologist at cosmetic surgeon si Dra. Claudine at siya ang living example na very effective sa pagpapapayat at body sculpting ang Non-Invasive Laser Lipo Treatment Machine.

Kabilang si Priscilla sa mga pasyente ng Zerona na makapagpapatunay na bumalik ang kanyang sexy body dahil sa tulong ng Zerona.

Aliw na aliw kay Priscilla ang mga reporter dahil ganadung-ganado siya sa pagsagot tungkol sa kanyang mga beauty secret at matibay na relasyon nila ng Zerona. Obvious na na-miss ni Priscilla ang showbiz.

Maraming salamat nga pala kay Dra. Claudine Roura at sa kanyang publicist na si Grace Penaranda Vergara.

Hindi ko na sasabihin ang klase ng pagpapasaya nila sa entertainment press na tuwang-tuwa at nag-promise na bibisita sila sa mga branch ng Zerona.

Sa mga gustong mag-inquire at kumunsulta tungkol sa mga serbisyo ng Zerona, puwedeng tumawag sa telephone number 403-5533 para sa free consultation o bisitahin ang kanilang website na may address na www.contours.com.ph.

Regine dinagdagan ang prestige ng Dapitan Arcade

Mama Salve, kumusta naman ang pagpunta mo kahapon sa Dapitan Arcade na nadagdagan ng mga kostumer dahil nalaman nila na nag-shopping doon si Regine Velasquez ng mga Christmas decor?

Puntahan ang Dapitan Arcade dahil mura ang mga tinda roon. I’m sure, nabulabog ang mga tenant ng Dapitan Arcade nang makita nila si Regine habang namimili. Nadagdagan ang prestige ng Dapitan Arcade dahil sa presence ni Regine.

 

AMALIA

AMALIA FUENTES

ANG VISTA LAND

BISAYA

DAHIL

DAPITAN ARCADE

PRISCILLA

VISTA LAND

ZERONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with