^

PSN Showbiz

Baka raw mag-iskandalo GMA 7 hindi pina-attend si Annabelle sa kanilang trade launch?

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Parang may nagbabadyang giyera sa pagitan ng GMA 7 at Annabelle Rama. Kahapon ay nagti-tweet siya though blind item style.

“Yesterday afternoon, I received a txt msg from one of network executive telling me not to attend the event today,” simula ng tweet niya na ang tinutukoy ang trade launch ng GMA 7 na ginanap sa Makati Shangri-la.

“Kasi ayaw daw ng big boss nila mag scandalo ako dahil meron daw akong tinext na threat na meron daw akong sasabunutan.

“My gosh ginawa pa akong sira ulo, makipag sabunutan kanino?

“Wala naman akong kaaway. Nananahimik ang buhay ko sa Cebu.

“Ang pinaka ayaw ko pinagbibintangan ka at gumagawa ng istorya na di totoo.

“Nakikiusap ako sa taong guilty na wag magsinungaling, tell the truth.

“Bakit ba ako lagi mo nakikita pag may gulo involving those 2 fake managers na nakaupo lang naghihintay ng grasya.

“Dahil alam mong marami akong alam? Excuse me pero di lang ako ang may alam.

“Pinag uusapan sa buong showbiz ang mga nangyayari noon at ngayon. Matagal na kaya yang issue na yan.

“Kung ayaw mong pag­usapan ka, be discreet, kasi nakakahiya sa asawa at mga anak mo at pamilya mo.

“Ang galing mong gumawa ng script about me,” tuluy-tuloy na tweet ng nanay nina Ruffa, Richard at Raymond.

Inilunsad sa nasabing trade launch ng GMA 7 ang mga bagong programa nila sa 2013.

SARAH BIDANG-BIDA SA BAYANIHAN NG AFP!

Si Sarah Geronimo pala ang bida sa inilunsad na music video ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) kasama ang ibang ahensiya ng pamahalaan para ma-encourage ang mga Pinoy na makiisa na matamo ang tunay na kapayapaan sa bansa.

Ang music video na pinamatagang Bayanihan ay nagsusulong ng Internal Peace and Security Plan (IPSP) ng AFP upang maghari ang kapayapaan sa Pilipinas.

 Ipalalabas daw ang nasabing video ni Sarah sa buong Pilipinas.

Ayon sa press release ng Malacañang, katuwang ng PCOO sa proyektong ito ang Kapisa­nan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), mga pribadong media at ang Outdoor Advertising Association ng Pilipinas para itanghal ito at iparinig ang nasabing Music video.

Hinikayat naman ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga may sinehan na ipalabas din ang nasabing music video.

Samantala pagkatapos ma-link kay Gerald Anderson wala nang na-link kay Sarah. Pero wala naman daw problema sa kanya dahil hindi lang naman daw lalaki ang nagpapasaya sa kanya.

“Hindi naman ‘yun ang makakapag-kumpleto sa akin as a person. ‘Yung pagmamahal ko talaga, unang-una muna sa Diyos, at sa sarili ko, kailangan matutunan ko ‘yun,” sabi ni Sarah sa ABS-CBN.com.

ANNABELLE RAMA

GERALD ANDERSON

INTERNAL PEACE AND SECURITY PLAN

MAKATI SHANGRI

MOVIE TELEVISION REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD

OUTDOOR ADVERTISING ASSOCIATION

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with