Kaya pinakawalan na lang, hindi na nanghinayang sa malaking talent fee, talent manager pinagbintangan ng magulang ng alaga na ibinulsa ang kita sa isang endorse
Hindi na ni-renew ng isang talent manager ang managerial contract niya sa sikat niyang talent. Kahit kikita pa ang manager sa komisyon, ipinaubaya na nito sa co-manager ang pagpapalakad sa career ng talent makaiwas lang siya sa stress.
Nai-stress ang talent manager tuwing kausap ang parents ng talent sa rami ng demands at gustong gawin ng manager para mas maraming project ang kanilang anak. To think na hindi naman nito pinababayaan ang talent.
Ang masasabing final blow kung bakit nagdesisyon ang talent manager na bitawan na ang talent ay nang pagbintangan siya ng mga magulang ng talent na ibinulsa ang ibang bahagi ng talent fee sa isang endorsement. Hindi ma-take ng talent manager ang akusasyong ’yun kaya sa halip na patuloy na magpaliwanag, binitawan na lang niya ang talent.
At least ngayon, free of stress ang talent manager at hindi na kailangang ihanap ng project ang dating alaga.
Marian madalas kaaway ang makeup artist, baby powder lang ang gustong gamitin
Malapit na palang nag-transform ang karakter ni Marian Rivera mula sa simpleng Angeline sa sopistikadang si Chantal sa Temptation of Wife. Ang pino-problema ng aktres at ng staff ng soap ay kung ano ang gagawin sa kanyang mahabang buhok.
Alam ni Marian na mas maa-achieve ang pagbabago ng mukha at pagiging si Chantal niya kung magpapagupit siya ng buhok, pero paano na ang future projects na kailangang mahaba ang buhok niya? Puwedeng gumamit ng wig si Marian pero sana ’yung maganda at hindi halatang wig.
Nakuwento rin sa amin na madalas pag-awayan nina Marian at ng kanyang makeup artist ang makeup niya sa soap. Gusto ng makeup artist na mag-make-up siya at nire-retouch ang makeup. Ayaw naman ni Marian at gusto’y baby powder lang ang ginagamit na bumagay sa karakter niyang si Angeline.
Paolo nasisira ang schedule sa pag-overtime ng WilTime
Naaliw kaming basahin ang tweets ni Paolo Bediones na may kinaalaman sa time slot ng Wiltime Big Time ni Willie Revillame.
Unang tweet ni Paolo: “Pilipinas News airing 12 mn tonight…now I have 2 morning shows.” Sinundan ito ng isa pang tweet: “Pilipinas News usually airs LIVE at 11pm., but Willie usually goes overtime…in tonight (Friday, November 23) case he went over by a whole hour hence a midnight newscast.”
Mukha namang hindi galit si Paolo, kaya lang nasisira ang schedule nito lalo’t may early morning show pa siya sa TV5. Dahil dito, maraming pabor na ibahin ang time slot ng show ni Willie. Dito nagsimula ang tsikang itatapat na sa Eat Bulaga ang Wil Time Big Time at lilipat na rin sila sa Delta studio dahil gagamitin sa election ang studio sa Novaliches.
Direk Chito pinapatay agad ang karakter ng hindi marunong umarte
Dapat pala guest si Iza Calzado sa Pamana episode ng Shake, Rattle & Roll Fourteen: The Invasion pero hindi natuloy at si Snooky Serna ang pumalit sa kanya. Hindi na nabanggit ni Direk Chito Roῆo kung bakit ’di natuloy si Iza.
Idea ni Direk Chito na pagsama-samahin sa Pamana episode ang mga bida sa three episodes ng SR&R 1. Idea rin niyang gawing 15 ang cast ng Lost Command episode, pinakamaraming cast at ’pag merong hindi marunong umarte, agad pinapatay ang karakter.
Sa tanong bakit sina Vhong Navarro at Lovi Poe ang bida sa Unwanted episode, ang sagot ni Direk Chito, para matapos na ang lumang kontrata ni Vhong sa Regal Entertainment, Inc.
Ryzza Mae mas pinaboran sa poster, Jillian ‘di nilagyan ng picture
Wala si Jillian Ward sa presscon ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako pero may nakareserbang upuan sa tabi ni Ryzza Mae Dizon. Iniwasan ng ina ni Jillian na intrigahin ang dalawang bata at talagang maiintriga ang mga bagets dahil sa poster, si Ryzza Mae lang ang may picture, si Jillian wala.
Nasa itaas ang pangalan at picture ni Ryzza, sa ilalim ng name nito ang name ni Jillian na kahilera sina Ruby Rodriguez, Jose Manalo, Barbie Forteza, Derrick Monasterio, at Alden Richards na wala ring mga litrato.
Naaliw ang press kay Ryzza Mae dahil hindi mabitawan ang bag na sana ay hindi mabigat dahil kung mabigat, baka lalong hindi na siya lumaki. Nakakatuwa rin na maliit na nga, tiyanak pa ang karakter ng child star sa nasabing pelikula.
- Latest