^

PSN Showbiz

May pinariringgan? KC ngayon lang nakakilala ng mabuti at totoong lalaki at gentleman na hindi nababayaran at nabibili

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nililigawan ngayon si KC Concepcion ni Pierre Emmanuel Plassart na isang French businessman-filmmaker. Mula raw sa isang pamilya ng mga negosyante ang binata at nagbabalak itong magtayo ng negosyo sa France at Singapore.

Ayon kay KC ay isang answered prayer talaga para sa kanya si Pierre.

“When you want to ask God for something, you pray about it and you be specific and you believe with all your heart that it’s as if ibinigay na Niya ’yon sa iyo,” paliwanag ni KC.

Masaya talaga ngayon ang dalaga dahil nakilala niya si Pierre.

“My heart is at peace knowing that merong mabubuting lalaki talaga. Pierre is a very kind person. Maraming lalaking inaral ang pagiging gentleman and that’s a great thing pero ito talaga simula nung baby talaga hanggang lumaki at ngayon na na-meet ko siya, ito talaga ang masasabi kong tunay. It’s a real thing. He’s a true gentleman na hindi mo ever mabibili or mababayaran ’yon,” makahulugang pahayag ng singer-actress.

Samantala, hanggang ngayon ay marami pa rin daw bashers sa mga social networking site si KC. Hindi na lamang daw iniisip ng dalaga ang mga pangba-bash na ginagawa sa kanya at sa halip ay nag-iisip na lamang siya ng mga bagay na positibo.

“Sa lahat ng pinagdaanan ko from last year, feeling ko kahit ano’ng mangyari, okay na, kaya ko na ’yon. ’Yon naman ang masasabi ko, thankful ako kay God na ibinigay sa akin ’yung patience at ’yung grace para harapin lahat ’yon,” pagtatapos ni KC.

MAJA BIGLAAN ANG PAGYAKAP KAY MATTEO

Napabalitang nagkabalikan na sina Matteo Guidicelli at Maja Salvador dahil may mga nakakitang nagyakap ang dalawa kamakailan. Inamin naman ni Maja na nagkayakapan sila ng binata sa taping ng Sarah G. Live.

“Guest sila ni Matt Evans sa Sarah G. Live. Si Matt taping yata siya, na-hug ko siya, ‘Kapatid kamusta ka na?’ Eh magkasama sila ni Matteo, sabi ni Kim (Chiu), ‘O, bakit si Matteo hindi mo hina-hug?’ ’Tapos sabi niya, ‘Magkagalit kayo ’no?’ Hindi ’no! Saglit lang naman ’yon, magkaibigan naman po kami,” kuwento ni Maja.

Hanggang ngayon ay mayroon pa rin namang komunikasyon sina Matteo at Maja. Meron pa ka­ yang pag-asa na magkabalikan ang dalawa?

“Hindi po pero magkaibigan kami. Masaya na ako na magkaibigan kami,” pagtatapat ng dalaga.

Wala mang karelasyon ngayon si Maja ay nakahanda naman siyang umibig muli.

“Dapat ’di ba lagi kang handa? Yes, I’m ready to fall in love again,” giit pa ng aktres. Reports from JAMES C. CANTOS

 

                       

MAJA

MAJA SALVADOR

MASAYA

MATT EVANS

MATTEO

MATTEO GUIDICELLI

SARAH G

SI MATT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with