^

PSN Showbiz

Tirahan ni JLo, sikreto!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Mabuti na lang at hindi na ako mahilig manood ng concert or else, humingi ako ng maraming tickets mula sa VistaLand Company nina Sen. Manny Villar and former Congresswoman Cynthia Villar dahil sila ang major presenter ng concert ni Jennifer Lopez na ginanap kagabi sa Mall of Asia The Arena.

Dumating si Jennifer sa Manila noong Linggo ng gabi at dahil superstar siya, isang private jet plane ang sinakyan niya. Take note, may suot na shades si Jennifer sa kanyang arrival kaya may mga nag-comment na basta diva, puwedeng magsuot ng shades, kesehodang gabi.

Siyempre, secret ang pangalan ng hotel na tinuluyan ni Jennifer pero walang secret-secret sa mga Pilipino. Tiyak na malalaman at napuntahan na nila ang hotel na temporary residence ni Jennifer habang nasa Pilipinas siya.

Maraming Pinoy stars ang fan ni Jennifer. Sila ’yung mga hindi tumanggap kahapon ng mga trabaho dahil naka-focus ang atensyon nila sa panonood ng concert ni Jennifer na first time na magtatanghal sa ating bansa.

Malapit sa puso ni Jennifer ang mga Pinoy dahil may dugong Pinoy ang kanyang ex-husband na si Cris Judd at half-Filipina si Jessica Sanchez na naging favorite niya sa mga contestant ng American Idol Season 11.

Kris at Aljur bigay na bigay sa huling kis­sing scenes

Nag-goodbye sa ere ang Coffee Prince noong Biyernes at marami ang nawindang sa kissing scenes nina Aljur Abrenica at Kris Bernal dahil bigay na bigay sila sa paghalik sa isa’t isa.

Seven weeks lamang ang itinagal sa TV ng Coffee Prince dahil good for seven weeks lamang ito. Ganoon din kahaba ang original version kaya inuulit ko, walang katotohanan ang mga tsismis na inigsian ang Pinoy adaptation ng Coffee Prince. Paninira lamang ’yon ng detractors na kaligayahan na ang makapang-buwisit ng ibang tao.

At dahil good for seven weeks lang ang Coffee Prince, malabong mapagbigyan ng GMA 7 ang mga request ng fans na magkaroon ng part two ang primetime show nina Aljur at Kris. Sila ang fans na napaiyak at kinilig sa finale episode ng Coffee Prince noong Biyernes.

Cinemanila filmfest sa Taguig uli

Ang City of Taguig ang home city ng Cinemanila International Film Festival na idaraos sa Dec. 5 hanggang Dec. 11.

Ito ang third time na gaganapin ang Cinemanila sa Taguig City.

Mapapanood sa Market! Market! Cinemas sa Bonifacio Global City ang mga pelikula na kalahok sa film festival na pinamumunuan ng direktor na si Tikoy Aguiluz.

Ipapalabas sa Cinemanila Film Festival ang mga obra maestra ng namayapang direktor na si Marilou Diaz-Abaya.

Manny Many… hanggang Dec. 2 na lang talaga

Noong Linggo ang first taping day ng TGIS TeenGen at sa Dec. 16 ang pilot telecast nito sa GMA 7.

Ang TGIS ang ipapalit sa timeslot ng Manny Many Prizes na tuluyan nang magpapaalam sa ere. Hanggang Dec. 2 na lang ang game show ni Congressman Manny Pacquiao at sa Dec. 9 ang laban nila ni Juan Manuel Marquez ang mapapanood sa timeslot ng Manny Many Prizes.                                   

ALJUR

ALJUR ABRENICA

AMERICAN IDOL SEASON

ANG CITY OF TAGUIG

COFFEE PRINCE

JENNIFER

MANNY MANY PRIZES

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with