^

PSN Showbiz

Mga batikang choir, maglalaban-laban sa MBC National Choral Competition

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magtatanghal ang ilan sa mga sikat na recording artist sa paglulunsad ng  Manila Broadcasting Company at Star City sa 2012 MBC National Choral Competition, na gaganapin sa Aliw Theater.

Si Nyoy Volante ang mangunguna sa December 3, kasunod naman si Sa­bri­na sa December 4. Si Dingdong Avanzado, na kagagaling sa isang ma­­­ta­gumpay na concert kamakailan, ang siya namang guest sa December 5, habang si Nina naman ang aawit sa December 6. Para sa grand finals ng De­­cember 7, magtatanghal ang Pinoy Pop Superstar year 3 runner-up na si Bryan Termulo at ang Little Big Star winner na si Anja Aguilar.

Forty four na batikang mga choir mula iba’t ibang bahagi ng bansa ang magtatagisan para sa kampeonato ng MBC National Choral Competition kung saan P150,000 ang nakalaan sa magwawagi sa open category, at P100,000 naman para sa children’s division. 

Ang 2012 MBC National Choral Competition ang siyang maglalatag ng daan para sa Sing n’ Joy Manila – ang international choral festival na binubuo ng MBC katuwang ng Interkultur Germany at Philippine Choral Directors Association para sa December 2013.

Gov. Toto Mangudadatu, isisiwalat ang lahat kay Anthony

Isang mainit na one-on-one interview na naman ang babangka ngayong Linggo (Nov 25) sa Mano Mano ni Anthony Taberna dahil sasalang sa hotseat si Governor Esmael “Toto” Mangudadatu. Bubulatlatin ni Anthony ang kanyang saloobin lalo pa’t ginugunita ng bansa ang ikatlong taon ng hindi pa rin nareresolbang kaso ng Maguindanao massacre. Kumusta na siya at ang kanyang pamilya? Ano ang pinagdaanan niya sa pagtanggap ng malagim na sinapit ng kanyang asawa at ibang kaanak? Handa ba siyang patawarin ang mga Ampatuan? Huwag palalampasin ang Mano Mano ni Anthony Taberna ngayong Linggo (Nov 25), 8:30 PM sa Studio 23.

Sektor: Magsasaka, Binhi ng Kahirapan tampok ng Reporter’s Notebook

Ngayong Martes sa pagpapatuloy ng Sektor, ang eight-part anniversary special ng Reporter’s Notebook, pagtutuunang-pansin ng programa ang ikalawa sa pinakamahirap na sektor sa bansa ayon sa National Statistical Coordination Board—ang mga magsasaka.

Sisiyasatin ng Reporter’s Notebook ang dahilan kung bakit patuloy na na­lulugmok sa kahirapan ang mga magsasaka. Sumabay sa paglalakbay mula Luzon, Visayas at Mindanao upang tuklasin ang tunay kanilang kalagayan. Mula sa mga magsasaka ng niyog sa Quezon, mga magsasaka ng tubo sa Negros Occidental hanggang sa mga magsasaka ng palay sa Zamboanga del Sur, isa-isa silang pupuntahan nina Jiggy Manicad at Maki Pulido upang alamin ang kanilang mga daing at hiling sa pamahalaan.

Ilang malalaking programa at proyekto na ang ipinatupad ng mga nagdaan at kasalukuyang administrasyon upang mai-angat ang kalagayan ng mga magsasaka pero hanggang ngayon lugmok pa rin sila sa kahirapan. Kayod-kalabaw man sila, kakarampot pa rin ang kita ng marami sa kanila.

Ang Sektor: Magsasaka, Binhi ng Kahirapan ay mapapanood ngayong Martes pagkatapos ng Saksi sa GMA 7!  

 

ALIW THEATER

ANG SEKTOR

ANJA AGUILAR

ANTHONY TABERNA

BINHI

MAGSASAKA

MANO MANO

NATIONAL CHORAL COMPETITION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with