Ticket sa concert ng mga local at foreign artist, pang-isang taong pagkain na ng walang-walang pamilya!
Pagkamamahal naman pala ng bayad sa mga palabas ng mga foreign artists na dumarating ng bansa. Ang hindi ko malaman ay kung paano ‘yun naa-afford ng mga tao. Eh, ‘di ba sabi mahirap ang buhay ngayon? Pero kung ang pinagtatanghalan nila ay napupuno ng mga manonood, ibig sabihin lang, marami pa rin ang may pera.
Kung si Vero (Samio) na may regular na kita sa kanyang pagsusulat ay umaming hindi niya kayang bumili ng tiket hindi lamang ng mga concerts ng mga foreign artists kundi ng maraming kababayan natin na nagsu-show, paano na ‘yung iba? Okay nang bumili ng tiket ng hanggang P1,000 lamang pero, yung triple nito at kung may kasama ka pang tatlo ay mas lalaki pa ang halaga, magtitiyaga ka na lang manood ng mga palabas sa TV. Napaka-suwerte ng mga may pera, ‘yung pambili nila ng tiket, pang-isang taon pagkain na ng maraming walang-wala.
Dingdong dapat talagang kabahan
Masisisi mo ba si Dingdong Dantes kung kabahan siyang makaeksena hindi lamang si Lorna Tolentino na mayroon siyang kissing scene at lovescene sa ginagawa nilang teleserye? Napakalaki yatang artista ni LT at kasinglaki ng roles nila ang ibinigay sa kanya. Kailangan niyang makisabay dahil baka maiwan siya sa pansitan.
Pero bilib naman sa kanya si direk Maryo J.
Utol ni Regine pumapatol na rin, parang si Sharon
Kung si Sharon Cuneta natuto nang dedmahin ang kanyang mga bashers, sana ganun din si Cacai Mitra, manager ni Regine Velasquez. Inis na inis kasi ito sa mga panlalait ng mga bashers sa kanyang kapatid dahilan sa hindi magandang nangyari sa Silver concert nito, nang mawalan ng boses.
Ang mabuti ay paghandaan na lang nila ang repeat concert nito. Hindi man nila ginusto ang mga nangyari wala namang ibang masisisi. Sila lamang ang magdadala ng kasalanan. Bawi na lang kayo next time. And, please, dedmahin n’yo na lang ang mga negang tao.
- Latest