^

PSN Showbiz

AiAi idinipensa kay Kris sa batang ka-live in!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

When it comes to hosting a showbiz talk show, maraming kinakabog si Kris Aquino. ‘Yung mga magkaka-relasyon na ayaw pabuking sa tao ay nakukumbinse niyang umamin sa kanyang programa. Napakaganda ng naging interview niya sa mag-dyowang Richard Poon at Maricar Reyes na kahit napaka-pribadong tao ay napaamin niya sa kanyang programa. Maganda rin yun ginawang pag-amin, hindi man diretsahan ni Erich Gonzales, ng kanyang lovelife with a non-showbiz boyfriend. Pero pinaka-height ay ‘yung nagawa niyang palabasin sa kanyang programa ang friendship niyang si AiAi delas Alas kasama ang dati ay pinag-uusapan lamang na mas nakakabatang boyfriend nito na nag­ngangalang Jed.

Nakita uli ang controversial na guy  na totoo pala at hindi drawing, may itsura pala at hindi chaka, at may kaya at hindi poor. At walang takot nitong inamin ang damdamin niya sa komedyante at ang kanilang pagpapakasal na hindi man maganap agad-agad ay pinag-uusapan na rin nila.

Nakasama rin sa guesting ng dalawa ang panganay ni AiAi na si Sancho who calls Jed tito and who has given his blessing to the couple. Hindi nagkamali ang PMPC na piliin si Kris at ang Kris TV bilang pinaka-mahusay na showbiz talk show and host sa katatapos na Star Awards for TV.

Yam inosente ang mukha pero grabe sa hubaran

Marami talagang nanood ng premiere showing ng Rigodon ang nagulat sa tapang at lakas ng loob na ipinamalas ng inilulunsad na bidang babae sa pelikula na si Yam Concepcion. Buong tapang nitong ginampanan ang kanyang role which called  for her to do several intimate scenes with her leading man John James Uy at mas naging matapang siya sa aktor dahil pumayag siyang magkaroon ng butt at breast exposure.  Tahimik ang sinehan habang ipinalalabas ang mga nasabing grabeng eksena ni Yam. Parang hindi makapaniwala ang lahat  na ang ganun kaganda at ka-inosenteng mukha ay magagawa ang mga ganun kabold na eksena ng bukas ang kanyang dalawang mga mata. Hindi mo nga aakalain na first time ng dalawa na magkatambal sa pelikula. Para kasing may relasyon sila dahil walang tensiyon na nabakas sa kanila sa nagaganap na eksena.

Tama si direk Erik Matti sa pagsasabing talagang bold ang pelikula niya. At tanging si Yam lamang ang makakagawa ng mga eksena na kinailangan niya.

Grace nasayang ang talino sa Wil Time

Sayang si Grace Lee kung hindi magtatagal ang exposure niya sa programa ni Willie Revillame. Ini-announce kasi nito na hanggang sa January 2013 na lamang ang kanyang programa. Kung hindi ang show ay malamang siya ang mawala o baka pareho sila. O baka naman mag-iiba lamang ito ng slot, at magtatapos na ito sa slot na ‘yun.

Nag-effort ang host ng Wil Time na bigyan ng magandang promosyon ang pagsali ng magaling na TV host sa nasabing programa, ‘yun pala hindi rin naman ito magtatagal dahil nga sa anunsyo ng host ng programa.

Kung sabagay, marami ang nagsasabi na masasayang lamang ang talino ni Grace sa nasabing programa. Dapat ibang programa ang salihan niya, ‘yung kakailanganin ang kanyang talino at galing. Sa isang showbiz game show na tulad ng WTBT sapaw sila nina Camille Villar at Mariel Rodriguez. Si Camille nakakapag-adjust na pero, si Grace hindi yata mabibigyan ng panahon dahil nga matsutsugi na ang show?

Sandy Andolong nagpa-stem cell na rin

Akala ng marami ay wala si Sandy Andolong sa presscon ng Pahiram ng Sandali dahil nagpapaka-stage mother ito sa kanyang anak na si Gab de Leon na nagsisimula na ng kanyang trabaho sa revival ng TGIS. Hindi naman pala totoo. Nagpapa-stem cell ito kaya absent. Natapat ang presscon ng bagong serye ng Siete sa medical procedure na isinasagawa sa kanya kaya siya wala. It was her husband Christopher de Leon who divulge this sa media.

Samantala kahit maganda ang role ni Boyet sa Pahiram… marami ang naniniwala na  hindi siya maaring magtagal sa kanyang role sa series, lalo na kapag nagsimula na ang ban sa mga lalahok sa eleksiyon sa 2013. Baka patayin lamang ang kanyang character o kaya ay paalisin lamang ng bansa. But he has to leave the show bago pa ito matapos.

Glaiza mahusay sa kasalbahihan

Magaling talaga siguro si Glaiza de Castro sa kanyang role bilang Heidi sa Temptation of Wife. Paano galit na galit ako sa kanya, I think  she’s devil incarnate sa kasalbahihan niya kay Angeline (Marian Rivera). Mas nakakainis siya’t nakakairita kaysa dun sa Koreana na gumanap sa original na istorya ng Temptation… Naalala ko tuloy si Angelica Panganiban sa Tayong Dalawa,  nang kabugin niya ang mas beterano at kilalang magagaling na artista na sina Cherry Pie Picache at Laurice Guillen. Ganun kagaling sa serye si Glaiza.   

 

 

 

GLAIZA

KANYANG

NIYA

PROGRAMA

SANDY ANDOLONG

WIL TIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with