^

PSN Showbiz

Max sinuwerte kay Direk Maryo

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Napaka-suwerte talaga ng baguhang si Max Collins dahil matapos ang maganda niyang role sa napaka-ikling The Coffee Prince, isang mapaghamong role ang ginagampanan niya sa sisimulang serye ng GMA 7 sa Nov. 26, ang Pahiram Ng Sandali.

Bakit hindi mo sasabihing masuwerte eh hindi naman  sa kanya originally assigned ang role. Ti­nanggihan lang ito ni Kylie Padilla dahil sa hindi pa raw ito handa sa  mga kissing scenes and love scenes na kailangan nitong gawin. “I’m not yet mature enough ,” paliwanag ng anak ni Robin Padilla.

Si Direk Maryo J. delos Reyes na kababalik lamang sa isang bakasyon ang nag-isip nang papalit. Pinilit niyang kalimutan ang kanyang disappointment dahil sa pagkaka-shelve ng seryeng Haram na pagtatambalan nga sana nina Dingdong at Kylie.

“Nag-relax lang ako. Masyado akong nalungkot dahil nag-aaral pa ako ng Islam at gusto ko sanang palawakin ang intercultural relationship between the Mus­lims and Christians. Nakapag-shoot na nga ako ng dalawang araw nang ipagpasyang huwag na itong ituloy.  Sinabi ko naman sa management ang disappointment ko. Sabi ko rin na sakaling mag­de­sisyon silang ituloy uli ito ay sa iba na lang nila ipadirek. Hindi ko na ito gagawing muli,” sabi ni direk Maryo.

“Ako ang nagrekomenda kay Max for the role nang tanggihan ito ni Kylie dahil she found the role too daring. I’m proud of my cast, napakalalaki nilang artista. Parang gumagawa na ako ng isang pelikula. Napanood ko siya sa The Coffee Prince at nakita ko ang dynamics niya. Wala siyang kaarte-arte sa katawan. Malawak ang range ng kanyang acting, her ability to embrace, she’s willing to commit herself. Palagi itong nagpapa-SOS sa akin kapag nahihirapan na siya,” dagdag pa ng director na all praise rin sa professionalism at kabaitan ng kanyang leading man na si Dingdong Dantes.

“Ang bait-bait niya, humble, level-headed at very responsive,” papuri niya sa aktor.

Bukod sa pagdidirek niya ng pelikula at TV, gusto ni direk Maryo na mag-venture into farming. May ibinigay na lupa sa kanya ang kanyang mga magulang sa Bohol na balak niyang gawing isang build and sell real estate venture.

Sa gulang na 60, feel niya na okay na ang buhay niya. Lahat ng pangangailangan niya sa buhay ay nakukuha na niya. May mga sinasanay siyang mga assistant directors  pero wala siyang nakikitang passion sa kanila. Gusto niya ay magkaroon sila ng motivation na maging director dahil gusto nila at hindi dahil sa puwede nila ‘yung pagkakitaan.

Isabel hindi kayang tiisin ang showbiz

Bihira mong makita si Isabel Rivas sa mga showbiz ga­therings ngayon dahil pinangangasiwaan niya ang 20 ektarya niyang lupain na mayroong mga 835 na puno ng mga namumunga nang prutas. Muli lamang siyang nakita sa isang presscon ng GMA dahil may mahalaga siyang role sa Pahiram Ng Sandali, bilang mayamang  nagmemeari ng isang publishing company na napangasawa ni Mark Gil.

Sinabi ni Isabel na gaano man siya kaabala sa kanyang hacienda, ay hinahanap-hanap niya ang buhay showbiz. Hindi kayang burahin sa isip niya ng kanyang mga alagang manok , baboy, baka  at tatlong kulay ng tilapia ang pagkagiliw niya sa pag-aartista.

 “Mas madalas ako dito sa Maynila, lalo na kapag tag-ulan. Tuwing summer lamang ako umuuwi kapag anihan na,” sabi niya sabay ulit sa imbitasyon niya sa mga kaibigang reporter na pumasyal ng kanyang farm at iuwi lahat ng makakaya nilang dalhin.

Bayani hindi na visible, mas abala sa kampanya ni Aga

Hindi man ganun ka-visible si Bayani Agbayani ngayon, hindi naman siya zero sa trabaho. May regular na programa siya kasama si Aga Muhlach sa TV 5 at kasa-kasama rin siya ni Aga sa pag-iikot nito sa CamSur bilang paghahanda sa pagtakbo nito sa Kongreso sa 2013. Meron din siyang pelikula, ang El Presidente ni Gov. ER Ejercito.

Narating na ni Bayani ang rurok ng pagiging artista niya. Wish na lang niya ngayon ay mapamalaging meron siyang trabaho.

MMK, pinataob ang pagbabalik ni Mel Tiangco

Big winner muli noong Sabado (Nobyembre 17) ang longest-running drama anthology sa Asya na Maalaala Mo Kaya. Tinalo pa nito ang pilot episode ng kababalik lamang na drama anthology na Magpakailanman.

Base sa datos ng Kantar Media, humataw ang MMK episode na pinagbidahan nina Kean Cipriano at Yen Santos ng 30.6% national TV rating, samantalang 15.9% lamang ang nakuha ng kalaban.

Samantala, inang humarap sa iba’t ibang pagsubok ang role ni Dina Bonnevie sa MMK bukas ng gabi (Nob. 24). Gaganap siya bilang si Bebeng, ang nanay ng 13 bata na binuo ang kanyang masayang pamilya habang pinalalago ang pinakamamahal niyang flower shop. Ngunit dumating ang panahon na sinubok ang katatagan niya ng magkakasunod na dagok sa buhay - nagkaroon ng cancer ang kanyang panganay, nabuntis nang maaga ang ikatlo niyang anak, naging epileptic ang ikaanim, at ang ika-12 naman niyang anak ay namatay dahil sa pneumonia. At dahil sa mga trahedyang naganap sa kanyang pamilya, kinailangang isakripisyo ni Bebeng ang kanyang flower shop para sa kaligtasan ng mga bata. Saan huhugot ng lakas ang isang ina kung maglalaho ang tanging inspirasyon niya sa buhay?

AGA MUHLACH

AKO

BAYANI

COFFEE PRINCE

DAHIL

KANYANG

NIYA

PAHIRAM NG SANDALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with