^

PSN Showbiz

Pelikula nina Bong, Goma at Albert, gagastusan ng simbahan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Tuloy na tuloy ang big movie project na pagsasamahan nina Senator Bong Revilla, Jr., Albert Martinez at Richard Gomez.

Dahil malaki ang project, magkakaroon ng big announcement ang mga producer ng pelikula na tatampukan din ni House Representative Lani Mercado.

Saka ko na sasabihin ang ibang mga detalye tungkol sa first movie team up nina Bong at Richard.

Sure ako na magiging blockbuster ang project dahil susuportahan ito ng milyung-milyong miyembro ng isang simbahan.

Shake... todo ang promo

Convinced ako na full blast ang promo at pub­licity ng Shake, Rattle & Roll Fourteen, The Invasion dahil nagpatawag ng presscon ang Regal Entertainment Inc. para sa direktor at scriptwriters ng pelikula.

Pumunta ako kahapon sa presscon na dinaluhan nina Chito Roño, Roy Iglesias, Ricky Lee at Rody Vera. Si Chito ang direktor ng Shake, Rattle & Roll at episode writers niya sina Ricky, Rody at Roy.

Wala si Mother Lily Monteverde sa presscon dahil kasalukuyan na nag-lalamiyerda siya sa New Zealand. Knowing Mother, nakibalita siya sa mga nangyari sa presscon habang rumarampa siya. Si Mother na hindi kumpleto ang araw kung hindi siya nakakatawag sa cell phone.

Hindi na naman tinupad ni Mother Lily ang sinabi niya noong nakaraang taon na hihinto na siya sa pagpo-produce ng Shake, Rattle & Roll.

Sa sarili ni Mother Lily, alam nito na hindi kumpleto ang Metro Manila Film Festival kung walang Shake, Rattle & Roll.

Late na pagpapalabas ng mga programa ng GMA 7 inireklamo na!

May special requests ang certified Kapuso viewer na si Bullet Zamora. Tungkol sa mga programa ng GMA 7 ang concern ni Bullet. Gusto niya na iparating sa Kapuso management ang kanyang mga obserbasyon sa pamamagitan ng email na ipinadala niya sa akin:

“ Kayo po ang naisipan namin na padalhan ng email upang maiparating sa GMA 7 ang aming hiling bilang avid Kapuso viewers.

“Sana po kahit i-publish n’yo itong aming email ay padalhan n’yo pa rin ng kopya ang GMA bosses para sila mismo ang makaramdam ng aming sitwasyon.

“Napupuna po namin na late ng masyado ang GMA Telebabad, Ang Aso ni San Roque hindi na natatapos ng mga bata kasi nga 8:00 pm na nagsisimula samantalang ang napakagandang Temptation of Wife, masyadog late at kawawa kaming mga pumapasok pa sa trabaho.

“ Mukhang maganda rin ang Pahiram ng Sandali ngunit sayang naman kung tutulugan lamang ito ng mga manonood dahil sa antok at hindi na kaya ng katawan at manonood na lang ng replay sa Internet.

“Suggestion po sana namin ay gayahin nila ang sa kabilang istasyon, tapusin nang maaga ang kanilang news program na 24 Oras dahil may Saksi naman sa gabi at inu­ulit lamang ang balita.

“O kaya po, iklian o alisin na ang Koreanovela sa hapon para magsimula nang maaga ang Paroa at iba pang shows.

“Minsan po, dahil sa pagkainip sa kahihintay sa Aso ni San Roque, naglilipat po ng istasyon ang iba naming kapitbahay. Sa pagkainip nila, ang kalaban naistasyon ang nakikinabang dahil maagang nagsisimula ang kanilang primetime show.

“Yon din ang isa sa dahilan kaya nag-rate ang Walang Hanggan na dati ay tinatalo ng Legacy ng GMA7.

“Certified Kapuso po kami kaya nanghihinayang kami sa ganda ng Temptation of Wife maging ang ipapalabas na Pahiram Ng Sandali. Dapat po ay pahalagahan ng GMA 7 ang sitwasyon ng mga Kapuso nila nanag-aaral at nagtatrabaho sa mga opisina.“Nagtatakarin po dahil walang inire-release na TV rating ang AGB Nielsen sa mga tabloid at showbiz website? More power sa iyo Madam Lolit.”

 

ALBERT MARTINEZ

ANG ASO

BULLET ZAMORA

DAHIL

KAPUSO

MOTHER LILY

SAN ROQUE

TEMPTATION OF WIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with