Pati mga dating kaibigan naetsapuwera na aktres na karelasyon ng sikat na aktor biglang lumobo ang ulo!
Pinag-uusapan ang pagbabago ng ugali ng isang aktres mula nang maging dyowa siya ng sikat na personalidad.
Nang magkaroon ng relasyon ang dalawa, naging pasaway na ang aktres at ramdam na ramdam ng mga tao sa kanyang paligid ang paglobo ng ulo niya. May mga kuwento ng mga disappearing act niya sa isang project na kanyang ginagawa. Mga bago na rin ang mga kaibigan niya as in etsapuwera na ang dating friends na nagmalasakit sa kanya noong nag-uumpisa siya sa showbiz.
Walang dahilan para mag-asta na prima donna ang aktres. Hindi pa naman sila kasal ng mhin. Any moment, puwedeng magbago ang takbo ng buhay niya dahil walang relasyon na nagtatagal ang kanyang boyfriend.
Huwag siyang magpapakasiguro dahil hindi pa legal ang kanilang pagsasama.
Alfred hindi baguhan sa pagpoprodyus
Ang Alternative Vision Cinema ang producer ng Supremo, ang biographical film ni Gat Andres Bonifacio na pinagbibidahan ni Quezon City Alfred Vargas.
Si Alfred ang producer ng Alternative Vision Cinema kaya AV ang initials ng kanyang film outfit.
Hindi first time ni Alfred na mag-produce ng pelikula dahil naging co-producer na siya ng mga indie movie na tinampukan niya.
Birth anniversary ni Bonifacio sa Nov. 30 at gugunitain ito ni Alfred sa pamamagitan ng red carpet premiere ng Supremo sa SM Fairview Cinema.
Jose at Wally napi-pressure sa moviegoers
Mga pangalan ng mga sikat na international singer ang karakter nina Jose Manalo at Wally Bayola sa D’ Kilabots Pogi Brothers… Weh!?
Justin ang pangalan ni Jose at obvious na galling ’yon sa pangalan ni Justin Bieber. Bruno (from Bruno Mars) ang pangalan ni Wally. Magkapatid na magkagalit ang mga ginagampanan ng dalawa.
Malakas ang pressure na nararamdaman ng dalawa dahil nakasalalay sa kanila ang box-office success ng pelikula pero confident sina Wally at Jose na hindi sila pababayaan ng fans nila.
“Natutuwa kami dahil pinapasok na ng mga tao ang local movies. Dati-rati ’yung entries sa Metro Manila Film Festival lang ang gustong panoorin ng publiko pero sa mga nangyayari ngayon sa local movie industry, positive ang aming pananaw na kakagatin uli ng mga tao ang bagong pelikula namin,” ang say ni Jose.
- Latest