^

PSN Showbiz

Baron patuloy ang pagpapagamot, aminadong may chemical imbalance

PIK PAK BOOM - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ngayong araw ang contract-signing ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa GMA 7. Mananatili pa rin siyang Kapuso kahit tempting ang offer ng isang malaking TV network.

Walang mairereklamo si Sen. Bong sa GMA 7 dahil all out ang suporta sa kanya at hindi siya pinababayaan.

Sa susunod na taon ay mapapanood na ang kauna-unahan niyang epic serye na Indio na talagang ginastusan ng husto ng GMA 7.

Suportado rin ng GMA 7 ang December filmfest entry nitong Si Agimat, SI Enteng Kabisote at si Ako kasama sina Vic Sotto at Judy Ann Santos.

PAK: Hindi napigilan ni Zendee Rose Tenerefe na maiyak nang magsalita ito sa Startalk dahil sa panglalait na natanggap niya pagkatapos nitong mag-guest sa show ni Ellen de Generes.

Naging emosyonal ang young singer nang napag-usapan ang tweet ng ina ni Charice na hindi naiwasang pagkumparahin sila.

Inaamin naman ni Zendee na malayo ang agwat ni Charice sa kanya at idolo pa nga niya ito.

Nasasaktan lang siya sa mga panglalait na natatanggap niya mula sa fans ni Charice lalo na’t tinatawag siyang matanda na.

Nag-promote si Zendee ng Magpakailanman na kung saan ang kuwento ng buhay niya ang tampok sa pilot episode na ito. Pero ang nakakaloka, sinunggaban din niya ang Wiltime Bigtime sa TV5. Ano kayang sabi ng GMA 7 dito?

BOOM: Nag-react si Baron Geisler sa lumabas na balitang meron siyang bipolar disorder.

Ayon kay Baron, mas mabuting tanungin na lang ang doktor niya para malaman talaga kung ano ang karamdaman niya.

Pahayag ng aktor: “It’s a chemical imbalance po. May moods po ’yan.

“What I’m doing is I’m trying to get better taking my medications.”

Patuloy siyang nagpapatingin sa doktor para tuluyan siyang gumaling.

Inaamin niyang mahirap ang pinagdadaanan niya pero nasasaktan lang siya dahil nahuhusgahan na siya agad.

BARON GEISLER

BONG REVILLA

CHARICE

ENTENG KABISOTE

INAAMIN

JUDY ANN SANTOS

NIYA

SI AGIMAT

VIC SOTTO

WHAT I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with