LT pinili na ni Grace Poe, aprubado ba ni P-Noy?
Kung maganda ang naging trabaho ni Grace Poe-Llamanzares sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), mas pa ang inaasahan kay Lorna Tolentino na siyang napipisil na pumalit sa aalis na MTRCB chief dahil tatakbo ito sa Senado.
Kung si Ms. Llamanzares ay may hold sa showbiz dahilan sa pagiging isang showbiz royalty, si LT ay nandun mismo sa pusod ng industriya dahil matagal na siyang artista. At hindi naman siya basta-basta artista. Kung ang mga dating namumuno ng MTRCB ay kinakailangan pang gumawa ng research at magpaimbestiga para malaman ang problema ng industriya, si LT ay may alam at may karanasan first hand.
Pero si Grace nga ba ang puwedeng humanap ng kanyang kahalili? Io-honor na ba ng pangulo ang sinumang mapipili niya?
Dawn mas tumutulak sa reelection ni Rep. Anton
Medyo matatagalan bago natin mapanood muli si Dawn Zulueta sa TV man o pelikula. Magku-concentrate ito sa kampanya ng kanyang mister who will seek reelection bilang congressman. Buti na lang at malalim ang maiiwan niyang alaala sa ginampanan niyang role sa Walang Hanggan kung kaya mahihintay nilang muli ang kanyang pagbabalik.
Malaking push sa reelection bid ni Cong. Anton Lagdameo ang pagiging bukas at malawak ng kanyang isip sa trabaho ni Dawn. Mas minamahal ng tao ang pagiging sport niya sa demand ng trabaho ng asawa niya.
Louise nami-miss agad sa TV
Parang miss na miss ng mga manonood ng TV si Louise delos Reyes. Kung tinutukan man nila ang pilot episode ng nagbabalik na Magpakailaman, ’yun ay dahil sa kagustuhan nilang makitang muli ito na umaarte.
Nagawang napakabata ni Louise sa marami niyang eksena. Ang hirap niyang makilala sa kanyang ayos. Ibang-iba ng image niya sa umeere pang One True Love.
- Latest