Kaya raw inuulan ng trabaho: Jose at Wally walang inggitan at sapawan
Tinanong namin sina Jose Manalo at Wally Bayola ng D’ Kilabots Pogi Brothers… Weh?! kung ano ba ang kanilang sikreto at tuloy ang pagsikat nila?
Si Jose ang unang sumagot, ‘‘Walang inggitan sa aming dalawa kaya kami nagtatagal. Masarap ang samahan namin lalo na sa Eat Bulaga dahil para kaming isang pamilya.’’
Sabi naman ni Wally, ‘‘Wala kaming sapawan at iniisip namin kung paano namin mapapasaya ang mga tao. Para kaming magkapatid.’’
Kabado ang dalawa at may nararamdamang may pressure sa kanilang launching movie. Naglalaro sa kanilang isipan kung magugustuhan ba ng mga manonood ang kanilang pelikula at kung tatauhin ito sa mga sinehan. Pero naniniwala naman sina Jose at Wally susuportahan sila lalo pa at kasama nila sina Solenn Heussaff at Pokwang sa direksiyon ni Soxy Topacio.
Palabas na ito sa Nov. 28 mula sa APT Entertainment at M-Zet TV Production.
Congressman Angara type si Kim Chiu
Si Congressman Sonny Angara ang bagong endorser ng Blackwater Elite ng Ever Bilena. Naniniwala ito sa produkto kaya tinanggap agad. Nagustuhan ng pulitiko ang personal relationship with Dioseldo Sy, ang may-ari, dahil para lang silang magkakapamilya at tumutulong din ito sa pamamagitan ng sports.
Ayon pa kay Rep. Sonny, bilang endorser ng Blackwater Elite ay he feels good, laging mabango, at nagkakaroon ng self-confidence.
Ibinahagi rin ng congressman na gusto niyang makatulong sa showbiz sa pamamagitan ng pagsuporta sa pagbabawas ng buwis.
Si Coco Martin ang gusto niyang gumanap sa kanyang buhay sakaling isapelikula. Type naman niyang maging leading lady si Kim Chiu na hawig ng kanyang magandang maybahay.
Tinanong namin si Mrs. Angara kung paano pinangangalagaan ng kanyang mister ang kanyang makinis na kutis sa kabila ng pagiging abala.
‘‘Simple lang siya, nagpe-facial wash lang at gumagamit ng sunblock kapag nasa initan,’’ sabi ng congressman.
Gusto ituloy ni Congressman Sonny ang reporma ng amang si Sen. Edgardo Angara pagdating sa edukasyon lalo na sa student loan at pagbibigay ng scholarship sa mga mahihirap but deserving students.
- Latest