^

PSN Showbiz

Gelli at Ariel mas may future sa ‘Pinas kesa Ca­nada

THATS! ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Magaganda ang mga role na naibibigay kay Ariel Rivera sa ABS-CBN. Natapos siyang maging ama ni E-Boy, ama-ama­han naman siya ni Maja Salvador sa Ina Kapatid Anak. At gusto ng manonood ang role na ginagampanan niya sa serye. Noon pa naman magaling si Ariel. Nagtataka lang ako kung bakit pinatagal pa niya bago siya nagpasyang mag-concentrate sa pag-arte?

Hindi ba nag-isip pa silang mag-migrate? ’Yun pala nandito lang pala ang magandang buhay at traba­ho para sa kanila. Sana hindi na sila umalis. May ma­gandang kinabukasan sila rito.

Ryza walang senyales na tibo

Porke ba walang boyfriend ang isang girl ay tomboy na siya? Napaka-unfair n’yo naman! Baka naman kung hindi mapili ang girl ay hindi lang siya ligawin. Maraming babae ang ganito pero hindi sila tiboli ha?! Ito ang paratang ng marami kay Ryza Cenon dahil nakakatagal siya ng walang boyfriend bagaman at sinabi niyang nagkakaroon naman pero ’di taga-showbiz kaya hindi napag-uusapan. Siyempre itinanggi niyang tiboli siya. Na kailangan nating paniwalaan dahil wala naman tayong nakikita sa kanya na nagsasabing hindi siya girl.

Annabelle kinatatakutan na ng kalaban

Ang dami-daming alaga ni Mama Annabelle Ra­ma na malaki ang maitutulong kapag nagsimula na siyang mangampanya para sa eleksiyon.

Bukod sa mga alaga niya ay naririyan pa ang mga sikat niyang anak na artista na nagsabing hindi nila siya pababayaan. Paano ba hindi matatakot ang mga makakalaban niyang pulitiko sa Cebu?

Pero feel ng marami na ang magiging pinaka­malaking taga-kampanya niya ay ang dalawa niyang apo na sina Lorin at Venice na talaga namang lovable at charming. Ngayon pa lamang ay sinasabi nang ang dalawa ang magbibigay kay Lola Annabelle ng maraming boto. Maghintay lang kayo.


 

 

ANNABELLE

BUKOD

INA KAPATID ANAK

LOLA ANNABELLE

MAJA SALVADOR

MAMA ANNABELLE RA

RYZA CENON

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with