^

PSN Showbiz

Pagsasapribado ng mga pampublikong ospital serbisyo o negosyo?

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Solusyon na nga ba ang pagsasapribado ng mga pampublikong ospital para sa mas maayos na ser­bisyo medikal sa mga mahihirap na Pilipino? ’Iyan ang bubusisiin ni Ted Failon ngayong Sabado sa Failon Ngayon sa kanyang pag­himay isyu ng ti­na­­tawag na “corporatization” ng 26 pam­pub­likong ospital.

Mahigit piso isang araw o nasa P400 lamang kada taon ang pondo para sa kalusugan para sa bawat Pilipino mula sa gobyerno base sa National Budget Allocation. Dahil dito kung kaya’t takbuhan ng mga kinakapos pampagamot ang pampublikong mga ospital.

Maaring mura rito kaysa pribadong ospital pero milya-mil­ya naman ang layo nito pagdating sa serbisyo. Kaya naman may ilang nagmumungkahi na ipaubaya na sa pribadong mga grupo ang pamamahala sa pampublikong ospital para tumaas din ang antas ng mga ito.

Kapag natuloy ang pagsasapribado ng mga pam­pub­li­kong ospital sa buong Pilipinas, ano na ang mangyayari sa ating mga mahihirap na pasyenteng umaasa lamang sa murang serbisyong medikal?  Paano na ang obligasyon ng estado kung ang mga ospital ay patatakbuhin hindi dahil sa serbisyo pub­liko pero dahil sa negosyo? 

Mader Ricky nag-ayos na rin ng ngipin

Sa Life And Style With Ricky Reyes alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga sa GMA News TV nga­yong Sabado’y tampok ang iba-ibang dahilan kung bakit ang mga tao’y laging nakangiti at kung anu-anong bagay ang ikinaliligaya nila.

Una sa mga nakapanayam ni Mader ay ang poging abugadong si Ped Pajaren na isa sa mga godfather ng bahay-tuluyan ng mga batang maysakit na Childhaus. Kamakaila’y ipinasyal ni Atty. Ped  ang mga bata sa isang toy museum. “Makita ko lang ang masasa­yang muk­ha ng mga batang may cancer ay napapangiti na ako.  Parang na­ka­ka­hawa ang glow of happiness sa kanilang mukha,” sabi ng ma­bait na ginoo.

Isang 15 taong modelo ang humingi ng tulong ni Mader tungkol sa kanyang ngipin na ‘di maganda ang tubo. Ipakikita sa programa kung paano naayos ang ngipin ng tinedyer sa isang prosesong ‘di kinaila­ngang bunutan o lagyan ng retainers o braces. 

Nakakalungkot naman pag nagsimula nang numipis at malugas ang ating buhok. Mapapanood ang Hair Bond na pinakabagong serbisyo sa mga sangay ng Gandang Ricky Reyes salon na muling magpapasigla at magpapatubo ng buhok.

Mapapanood din sa LSWRR ang swimsuit competition ng beauty pageant na Miss Earth 2012 na ginanap sa Golden Sunset Resort and Spa sa Barangay Uno, Calatagan, Batangas.  Patutunayan ng mga kandidata na di lang ang magandang hubog ng katawan kungdi pati na ang matatamis na ngiti ang nakakadadag ng puntos mula sa mga hurado.  

 

BARANGAY UNO

FAILON NGAYON

GANDANG RICKY REYES

GOLDEN SUNSET RESORT AND SPA

HAIR BOND

MADER

MADER RICKY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with