Angelica hindi totoong maligaya kay John Lloyd?!
Buti naman kung totoong pinatitigil na ng kanyang network si Angelica Panganiban sa kanyang pagsasalita tungkol kay Derek Ramsay. Kahit ano kasing sabihin na happy siya with John Lloyd Cruz ay lumalabas na parang hindi dahil nga dahilan sa kasasalita niya.
Bitter pa rin ba siya? Hindi pa nakaka-move on? Ito na ang malinaw na isinasaad ng kanyang walang humpay na pagsasalita tungkol sa kanyang ex-boyfriend.
Carmina at Zoren, tama ang desisyong magpakasal
Finally, nakasal na rin sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi. Isang pribado at matahimik na kasalan lamang ang ginanap. Tama lang ang desisyon nila. Tutal matagal na rin naman silang nagsasama.
Puwede ngang sila-sila na lamang pero as it is kumuha pa sila ng mga ninong at ninang tulad nina Kris Aquino, Grace Poe Llamanzares, Eric Quizon, Sharon Cuneta, at Cory Vidanes at nag-imbita ng ilan para saksihan ang maligayang araw ng kasal nila. Congratulations!
Eddie at Boots nakaka-insecure!
Nerbiyos na nerbiyos naman ako habang pinanonood ko ang Talo, Tabla, Panalo ang indie film ni Direk Neal Tan na prodyus nina Amy at Tony Abarquez. Natakot kasi ako na tatlong istorya ang pelikula na ang tampok sa bawat istorya ay kami nina Eddie Garcia (Tabla) at Boots Anson Roa (Panalo). Akin ’yung episode na Talo na nagwakas ang kuwento on a sour note. Na-console na lamang ako by the fact na sad din ang ending ng kay Eddie.
But more than the ending, na-insecure ako na baka mapag-iwanan ako sa acting ng mga kasamahan kong artista. Bihira lang kasi akong gumawa ng pelikula at parang limited ang pag-aartista ko sa telebisyon.
But I’m glad I did my best. I thought I did my assignment well. I just hope na mabigyan pa ako ng maraming acting projects para hindi naman ako kinakalawang kahit marami ang bumati sa akin at nagsabi, after the premiere night, na okay naman ang acting ko.
Manood naman kayo at sabihin n’yo sa akin ang opinion n’yo.
- Latest