Motorcycle Diaries Negros Expedition aarangkada ngayon
MANILA, Philippines - Sa pagpapatuloy ng Negros expedition ng Motorcycle Diaries, sisimulan na ng grupo sa pangunguna ni Peabody award winner Jay Taruc ang mahigit limandaang kilometrong paglalakbay mula Negros Occidental pababa ng Negros Oriental.
Kilala bilang Sugar Capital of the Philippines ang Negros Occidental dahil sa mahigit dalawandaang libong ektaryang taniman dito ng tubo o sugarcane. Mula Bacolod, tutulak ang grupo sa lungsod ng Victorias para bisitahin ang pinakamalaking planta ng asukal sa Pilipinas – ang Victorias Milling Company. Masasaksihan ni Jay kung paano pinoproseso ang tubo para maging ibat ibang klase ng asukal na ating ginagamit sa araw-araw.
Pero bukod sa asukal, isa pang industriya ang unti-unting nagpapakilala sa Negros, ang sericulture o pag-aalaga ng mga silkworm. Bibisitahin natin ang nag-iisang silk reeling plant sa Pilipinas para saksihan kung paano inaani ang telang seda mula sa mga silkworm.
- Latest