^

PSN Showbiz

Ngayon milyun-milyon ang TF, Regine nagsimula lang sa P300!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Napakalaki na ang ibinawas ng timbang ni Regine Velasquez matapos niyang isilang ang kanilang first born ni Ogie Alcasid na si Jonathan James (Nate) a year ago (Nov. 8). Halata ito sa 30 lbs. na nawala sa kanya at kinarir niya talaga in preparation sa Silver major concert. Nagpa-breastfeed si Regine kay Nate until six months ito at pagkatapos ay saka siya nagsimulang mag-diet nang husto. 

Ang Silver ay first major solo concert ni Regine matapos lumabas si Nate. Ito ay gaganapin sa SM Mall of Asia Arena ngayong Biyernes, Nov. 16 sa ganap na alas-otso ng gabi.

Backgrounder lang. Alam n’yo bang katorse anyos lang ang panganay ni Mang Gerry Velasquez nang ito’y manalo sa Bagong Kampeon, ang singing contest ng RPN 9 noon hosted by Asia’s Queen of Song Pilita Corrales and the late TV host-comedian Bert Marcelo?  Unang naging contract artist si Regine ng OctoArts International na pag-aari ni Orly Ilacad na sa pagkakaalam namin ay kamag-anak ni Mang Gerry. First recorded song ni Regine sa OctoArts ay ang Love Me Again na muling ni-record ni Jamie Rivera. 

At that time, Chona Velasquez pa ang gamit na pangalan ng Asia’s Songbird. Naging Regine lamang ito nang siya’y i-manage na ni Ronnie Henares na executive producer din noon ng Penthouse Live nina Pops Fernandez at Martin Nievera. 

Tandang-tanda pa namin, Salve A. nang unang mag-perform si Regine as Chona pa sa BB’s Chic­ken Benedict ni Bernardo Bernardo along West Avenue, Quezon City. Three hundred pesos ang talent fee ni Regine at kinse anyos pa lamang siya noon. Naka-pop sleeves siya noon, may laso pa ang likod ng kanyang damit, at nagko-commute sila ng kanyang ama galing Bulacan at pabalik. Matiyaga si Mang Gerry sa pagiging chaperon noon sa singer na anak. 

Nang una silang magkasama ni Pops sa isang promotional show ng OctoArts sa Philcite (Star City ngayon) sa Baratillo fairs, namangha si Pops sa boses ni Regine at ang Concert Queen mismo ang nag-request na i-guest ito sa Penthouse Live nila ni Martin. It was in her guesting nang kausapin ni Ronnie si Mang Gerry na gusto niyang i-manage si Regine. In fairness to Ronnie, sa kanyang poder sumikat ng husto ang Songbird. 

Pero pagkaraan ng ilang taon, kumalas si Regine sa management company ni Ronnie at lumipat na ito sa pangangalaga ng kanyang kapatid na si Cacai Velasquez-Mitra. Ang husband ni Cacai na si Raul Mitra ang naging official musical director ng Songbird hanggang ngayon.

Malayo na nga ang itinakbo ng karera ni Regine. At makikita ito sa anniversary concert niya na kumpara sa mga nauna niyang major concerts ay magkakaroon ng kauna-unahang 60-piece symphony orchestra at wala siyang ibang kakantahin kundi ang kanyang mga sariling recorded songs at ilang covers lang. Si Rowell Santiago ang tatayong over-all director.  Four to five changes ang isusuot ni Regine at gawa ng kilalang fashion designers tulad nina Rajo Laurel at Pepsi Herrera.

Ang Silver concert ay joint production ng GMA Films at iMusic Entertainment ng kanyang sister-manager na si Cacai. Nakatakda rin itong gawing TV special at ipapalabas sa GMA 7 on Dec. 16. Naka-stipulate sa kontrata ni Regine sa GMA na kailangan siyang gumawa ng isang musical special once a year.

Naibalita rin ng singer-actress na sa Dec. 21 ay muling darayo ang pamilya niya sa Australia para mag-Christmas at para naman makapiling ni Ogie ang dalawang anak kay Michelle van Eimereen. At Dec. 31 aalis ang mag-anak pabalik ng Pilipinas para dito naman mag-spend ng New year. Pagkatapos ng Singapore, Australia naman ang second travel sa ibang bansa ni Baby Nate.

Ayon kay Regine, hangga’t maaari ay ayaw ni­yang iwan ang anak kaya at an early age ay nagiging well-traveled na ang bagets.

 

ANG SILVER

BABY NATE

BAGONG KAMPEON

MANG GERRY

NATE

PENTHOUSE LIVE

REGINE

RONNIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with