Iwa bitter, panay ang putak kay Jodi?!
Sana rin iwasan na ni Iwa Moto ang mag-komento tungkol kay Jodi Sta. Maria para lahat sila happy. Siya naman ang nagsasabi na masaya siya sa piling ng ex-husband ni Jodi na si Pampi Lacson. So, hayaan niyang maging masaya rin ito sa piling ni Jolo Revilla.
Kung hindi ikampanya ni Jodi ang kapatid ng ex niya, eh siya na ang mangampanya para rito. Hiwalay na ang dalawa, baka pinuputol na rin nila ang lahat ng bagay at tao na nag-uugnay sa kanila.
Dapat ganun din ang gawin niya. Ngayong nauugnay siya sa pamilya Lacson, nasa kanya ang pagkakataon na ikampanya sila. Huwag siyang magalit kung ikampanya man ni Jodi si Jolo.
KC nasa edad na para magpa-sexy
Ewan ko lamang kung ano ang problema sa pagpapa-sexy ni KC Concepcion. Eh, sa totoo lang naman, anuman ang sabihin nila, talagang seksi ang anak ni Sharon Cuneta. At kayang makipagsabayan sa mga nakukuhang calendar girls. O ’yung mga nag-iendorso ng alak. Bukod sa articulate siya, eh nasa edad na para mag-endorso ng inuming nakakalasing.
Walang masama rito. Palagi namang ikinakabit ang mga salitang “drink moderately.”
Fully booked…
I feel I’m fully booked this week. Nung Linggo ginanap ang isang presscon para sa isang indie film na ginawa ko para sa mag-asawang Tony and Amy Abarquez, ang Talo, Tabla, Panalo. Kahapon ay nagkaroon ito ng press screening sa AFP Theater sa Quezon City. Magaganda naman ang feedback na narinig ko. Marami ang naka-relate dahil tungkol ito sa buhay ng mga senior citizen.
Layunin ng pelikula na itaas ang dignidad ng mga nakatatandang miyembro ng komunidad at pagandahin pa ang kanilang buhay.
Kasama ko sa pelikula sina Eddie Garcia at Boots Anson Roa at dinirek ni Neal Buboy Tan.
At sa Linggo naman ay nakatakda akong tumanggap ng award mula sa Star Awards For TV. Ako ang napili nilang gawaran ng Natatanging Alagad ng Telebisyon award na pakiramdam ko ay napapanahon dahil magdiriwang ako ng aking 50th anniversary sa showbiz next year.
Talking about being busy. Talagang abalang-abala ako at kasabay pa nitong inihahanda ko rin ang anibersaryo ng Walk of Fame Philippines sa Dec. 1. Kita-kita na lang tayo.
- Latest