Zsa Zsa mas attached na sa espiritu, humiwalay na sa katawan ni Dolphy
Kamakailan ay nakapag-bonding ang magkaibigang sina Zsa Zsa Padilla at Kris Aquino sa Hong Kong. Kasama pa noon ni Kris ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby. Ayon sa Divine Diva ay nakaramdam siya ng lungkot noon dahil naalala niya ang long-time partner na si Dolphy na pumanaw noong Hulyo.
“Medyo nalungkot ako nung nagpunta ako dun sa paborito niya sa Canton Road. Gusto niya ang hilera ng shops doon. Medyo nag-emotional moment ako sa taxi. At least sa taxi, mag-isa lang,” kuwento ni Zsa Zsa.
Marami ang bumatikos sa singer-actress sa hindi niya pagbisita sa puntod ni Dolphy noong Undas dahil iyon ang panahon na nagpunta siya sa Hong Kong.
`“Kapag Undas talaga kahit si Dolphy noon lagi siyang pumupunta thirtieth (October) or November second or third. Ganun talaga, kanya-kanyang ano talaga. Mas magandang mauna ka. Puwede ka rin namang mahuli basta hindi ka naman nakakalimot. Saka kahit hindi Undas nandun ka naman eh,” paliwanag ni Zsa Zsa.
“Mula noong namatay pa siya sa Heritage, humiwalay na ako sa body niya kasi siyempre bilang Kristiyano, dapat isipin mo meron na siyang buhay sa langit. So, dapat talaga mas attached ka na dun sa spirit niya kesa dun sa katawan,” dagdag pa ng singer-actress.
“Dapat bigyan din ng konsiderasyon na kapag artista hindi dapat nakikisabay sa lahat, in the sense that mahirap kasi na magkaroon ng privacy and I think naman I’m just being honest naman na maiintindihan ng lahat ’yon,” giit pa niya.
Enchong matagal nang wini-wish si Uge
Ngayon pa lamang ay excited na si Enchong Dee sa muli nilang pagsasama sa isang pelikula ni Eugene Domingo na may working title na Tuhog.
“Naka-work ko na siya (Eugene) dati sa Palimos ng Pag-ibig pero baguhan pa lang ako noon. Napakatagal na nun, hindi rin kami nagkaroon ng eksena together at all. Marami ’yung puwedeng ibigay dito sa panibagong pelikula na gagawin namin and nakakatuwa kasi ang tagal-tagal ko nang wini-wish na sana makasama ko ulit si Ate Uge and finally ngayon makakasama ko na talaga siya and may eksena kami together kaya excited akong gawin ’yun,” bungad ni Enchong.
Kakaiba raw talaga ang tema ng bago nilang proyekto.
“Sabi ni Ate Uge it’s going to be a black comedy, a dark comedy. May comedy pero may magandang mensahe sa katapusan ng pelikula. Kapag comedy naman sabi ko basta ang gusto kong gagawing pelikula outside sa ginagawa ko sa TV kasi nga drama na ’yung ginagawa ko ngayon,” paglalarawan ng aktor.
Inaasahang magsisimula na ang shooting ng pelikula sa susunod na taon. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest