^

PSN Showbiz

Coco Martin pinag-iinteresan ni Rep. Sonny Angara

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Si Congressman Sonny Angara ang bagong endorser ng Blackwater Elite Cologne ng Ever Bilena.

Humarap kahapon sa entertainment press si Papa Sonny dahil ikinuwento niya ang mga reason kaya pumayag siya na maging endorser ng Blackwater Elite Cologne. Una, naniniwala siya sa produkto na ginagamit niya ng regular at pangalawa, affordable ang presyo as in mabibili ito ng masang Pilipino.

Kaibigan din ni Papa Sonny si Dioceldo Sy, ang big boss ng Ever Bilena. Hindi nahirapan si Papa Dioceldo na kausapin si Papa Sonny para maging endorser ng Black Elite Cologne.

Dahil mga member ng entertainment press ang kaharap niya, tinanong si Papa Sonny kung papayag ito na isalin sa telebisyon ang kanyang life story. Puwede ang sagot ng anak ni Sen. Ed Angara at kung siya ang masusunod, si Coco Martin ang type niya na mag-portray sa kanyang karakter.

Louise delos Reyes pakakantahin ala-Zendee Rose

Si Louise delos Reyes ang gaganap na Zendee Rose Tenerife sa life story ng aspiring singer.

Mapapanood sa darating na Sabado sa Magpakailanman ang life story ni Zendee na claim to fame ang guesting niya sa show ni Ellen DeGeneres noong nakaraang buwan.

Ang Magpakailanman ang comebacking weekly drama anthology ni Mel Tiangco. Kung nagtuluy-tuloy pala ang airing ng Magpakailanman, ipagdiriwang ni Mama Mel at ng production staff ngayong 2012 ang 10th anniversary ng kanilang show.

Temporary lang ang pagkawala nito sa telebisyon dahil after five years, ibinabalik ito ng GMA 7, due to insistent public demand.

Max Collins pitong taon ang hinintay bago nakatisod ng big break

Nag-pictorial noong Martes ang cast ng Pahiram ng Sandali, ang bagong primetime show ng GMA 7 na sisimulan bago matapos ang November.

Pumunta ako sa pictorial bilang suporta sa cast na pinangungunahan nina Lorna Tolentino, Dingdong Dantes, at Max Collins. The who si Max? Siya ang ipinalit ng GMA 7 kay Kylie Padilla na nag-back out dahil hindi pa siya ready sa adult roles.

Maligayang-maligaya si Max dahil sa big opportunity na ibinigay sa kanya ng Kapuso Network. Hindi nasayang ang kanyang pagtitiyaga at matagal na paghihintay. Pitong taon din na hinintay ni Max ang malaking break sa telebisyon kaya abut-abot ang pasasalamat niya sa mga bossing ng GMA 7 na naniniwala na ready na siya for stardom.

Tagalog movies magkakasunod ang labas

Sunud-sunod ang Tagalog movies na ipalalabas sa mga sinehan. Next week, magkasabay ang playdate ng 24/7 In Love ng Star Cinema at Rigodon ng Viva Films.

The following week, Nov. 28, showing na ang comedy film nina Jose Manalo at Wally Bayola, ang ’D Kilabots Pogi Brothers… Weh?! Sa pamagat pa lang, obvious na magkapatid sina Wally at Jose sa bagong pelikula ng APT Entertainment.

Kung tama ang pagkakaintindi ko, ang pelikulang Ang Supremo ni QC Councilor Alfred Vargas ang makakalaban sa box office ng Wally-Jose movie. Tungkol sa buhay ni Andres Bonifacio ang kuwento ng Ang Supremo at hindi na puwedeng i-delay ang showing ng pelikula dahil gugunitain sa Nov. 30 ang 150th birthday ni Andres na gagampanan ni Alfred.

 

ANDRES BONIFACIO

ANG MAGPAKAILANMAN

ANG SUPREMO

BLACK ELITE COLOGNE

BLACKWATER ELITE COLOGNE

COCO MARTIN

COUNCILOR ALFRED VARGAS

EVER BILENA

MAX COLLINS

PAPA SONNY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with