Kahit kasama na sa ‘Pinas ang girlfriend Christian, hindi pa rin nakakatikim ng sex!
Habang marami sa magkasintahang Pilipino ang nagpapasyang alamin muna kung compatible sila sa pamamagitan ng pagli-live-in bago sila magpakasal o kaya ay mag-pre-marital sex, nakatutuwang hindi kasama sa kanila si Christian Bautista. Sa gulang na 31, hindi nahihiya ang sikat na singer na amining wala pa siyang sexual experience. Kahit matagal nang nasa Pilipinas ang kanyang Singaporean girlfriend, hindi sila magkasama. Hiwalay sila ng tirahan,
“In two years’ time baka magpakasal na kami, makapaghihintay pa ako. Naniniwala ako na makikilala namin ang isa’t isa kahit hindi kami mag-live in,” ani Christian.
Isang DJ ang girlfriend ni Christian sa isang kilalang istasyon ng radyo.
Daniel gustong makasama ang ex
Sa simula lamang pala ng kanilang paghihiwalay, nagkaroon ng ilangan sila Heart Evangelista at Daniel Matsunaga. Nabalik din ang kanilang pagiging magkaibigan makaraan ang ilang panahon. Kaya naman walang atubili si Daniel na nagsabing handa siyang makatrabahong muli ang aktres kung mabibigyan siya ng pagkakataon. Kahit nasa TV5 na siya ay maari pa rin siyang tumanggap ng proyekto sa kanyang iniwang GMA 7. Sa ABS-CBN lamang naman siya hindi puwedeng magtrabaho.
Cielo… nasa maling oras
Marami ang naniniwala na nasa maling oras ang Cielo de Angelina. Dapat ay hindi ito sa umaga inieere dahil ang mga fans nina Bea Binene at Jake Vargas ay nasa iskuwelahan lahat. Mas maganda pa raw kapag nasa hapon ito dahil may mga nakauwi na from school. Pinaka-ideal time sa mga bagets ‘yung oras before the news dahil hindi pa sila nagsisimulang gumawa ng mga homeworks. Hindi rin ideal ‘yung medyo late na sa gabi dahil naghahanda na silang matulog for their next day’s activities.
Going back to Bea’s isyu kay Atty. Ferdinand Topacio, kahit na sinampahan na sila ng nanay niya ng demanda ng nasabing abogado, para namang hindi ito seryoso sa kanyang ginawa. Kung seryoso ito ay bakit panay pa rin ang papuri sa kanya (Bea) ng itinatanggi niyang legal counsel? Nakaka-proud on her part na sa kabila ng hindi nila pagkakasundo ay panay ang papuri nito sa kanya. Sinabi pa nito na mas magaling siyang artista kaysa sa isang napaka-popular at magaling umarteng aktres.
Acting assignment ni Kuya Germs outsider ang nagbigay
Hindi sa GMA 7 nakuha ni Kuya Germs (Moreno) ang kanyang pinaka-latest na acting assignment kundi sa isang indie movie na prodyus ng mag-asawang Tony at Amy Abarquez.
Pinamagatang Talo, Tabla, Panalo, isang trilogy ito na nasa direksiyon ni Neal Buboy Tan. Sa isa sa tatlong istorya na tumatalakay sa buhay ng mga Pinoy senior citizen kasama si Kuya Germs with Boots Anson Roa and Eddie Garcia ang kuwento ng pelikula.
Excited ang Master Showman dahil matatandaan na sa isang indie films kinilala ang kanyang husay bilang artista. Nanalo siya ng Best Supporting Actor which has inspired him to crave for more acting roles.
May premiere night ang Talo, Tabla, Panalo sa Nov. 15 sa AFP Theater sa Camp Aguinaldo.
Andrea kayang doble kara ang ugali
Mukhang mas nasasapawan ng role ng salbaheng Cecilia/Olga ang role ng mabait na si Cecilia/Margarita sa Sana Ay Ikaw Na Nga (SAINN). Mas napapansin at nakakakuha ng paghanga si Andrea Torres sa kanyang role na salbahe kaysa sa nakaaawang si Cecilia.
Kung sabagay kahit sinong artista ay makapagsasabing mas challenging gumanap na kontrabida kaysa bida. In fairness to Andrea Torres, nagagawa niyang sabay na kamuhian at kaawaan ng viewers. Nakatuklas ang GMA ng isang magaling na artista sa kanya. ‘Yung inaakala ng marami na paghihirapan niyang gampanan ay minamani lamang niya. Nakakalungkot lamang na baka makatapos ang SAINN ay malinya siya sa mga kontrabida roles.
- Latest