AiAi napilitan lang sumama sa pelikula nila Kris at Vice
Lunes lang nakabalik si Kris Aquino mula sa TVC shoot ng Pantene sa Bangkok, pero kinabukasan, nag-taping agad siya ng Kris TV. Kinahapunan, ang pictorial para sa Sisteraka naman ang hinarap.
Tuwing TTHS ang schedule ng shooting ni Kris ng movie nila nina Ai-Ai delas Alas at Vice Ganda na entry ng Star Cinema sa MMFF. Nabanggit ni Vice Ganda sa presscon ng 38th MMFF na five days pa lang sila nagsu-shooting, pero tiniyak na hahabol sila sa deadline ng MMFF.
Si Kris ang itinuro ni Vice Ganda na gumawa ng paraan para magkasama-sama sila nina AiAi sa pelikula. Ang TV host-actress daw ang nagkumbinse kay AiAi na tanggapin ang pelikula at pare-pareho silang hindi nagsisisi na ginawa ang movie.
Kuwento ni Vice Ganda, akala niya matagal silang magkakahulian ng loob ni AiAi, pero iba ang nangyari. “Hindi kami nahirapan, nag-usap at nagharutan agad kami. Walang magiging talbugan sa aming tatlo dahil magkakaibigan kami,” sabi ni Vice.
MMFF WALANG TARGET NA KITA
Sandali rin naming nakausap si Ms. Boots Anson-Roa bago simulan ang presscon ng 38th MMFF. Ipinaliwanag nitong walang isyu kahit dalawa ang entries ni Nora Aunor dahil special participation siya sa El Presidente, samantalang, bida siya sa Thy Womb.
Naka-display sa Annabel’s ang mga poster ng eight official entries sa MMFF, maliit nga ang picture ni Guy sa El Presidente, samantalang sila lang ni Lovi Poe ang may picture sa poster ng Thy Womb.
Hindi nasagot ni Ms. Boots kung magkano ang target box-office gross ng 2012, pero kampante siya na sa ganda ng mga pelikula, malalampasan ang P600 million gross last year.
Samantala, patuloy na napapanood sa Aso Ni San Roque si Ms. Boots bilang asawa ni Eddie Garcia. Ang alam niya, five to six weeks lang siya sa soap ng GMA 7, pero posibleng ma-extend depende sa feedback ng televiewers.
Kinorek ni Ms. Boots ang inakala naming first time nilang magsama ni Eddie sa TV at ibinalita ring may two movies silang magkasama. Ang indie film na Tabla, Talo, Panalo at ang Ride To Love ng Regal Entertainment.
STAR CINEMA NAG-BACK OUT NGA SA THE STRANGERS
Nasa presscon ng 38th MMFF si Atty. Joji Alonso na nire-represent ang Quantum Films, producer ng The Strangers. Kinumpirma ng producer ang nabalitang nag-backout ang Star Cinema na co-producer ng movie, kaya solo na siyang producer nito. Sa press release ng MMFF, ang film company lang niya ang nakasulat na producer ng movie na horror ang genre.
Pero sabi ni Atty. Joji, tutulungan pa rin siya ng ABS-CBN sa promo ng movie lalo’t pawang ABS-CBN talents ang nasa cast ng The Strangers gaya nina Enrique Gil, JM de Guzman, Enchong Dee, Julia Montes at Cherrie Pie Picache. Si Lawrence Fajardo ang director nang nasabing pelikula.
- Latest