^

PSN Showbiz

Suddenly hindi nag-magic sa takilya, mas mataas pa ang kita ng secret… sa second week

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Seen : Masaya na malungkot si Derek Ramsay dahil nahanap na ang kanyang pet dog na si Beyonce ngunit missing pa rin ang aso niya na si Lowfat.

Scene : Nominated si Gabby Eigenmann sa best supporting actor category ng 2012 Asian TV Awards dahil sa pagganap niya sa Munting Heredera. Gaganapin ang gala ceremony ng 2012 Asian TV Awards sa Shangri-La Hotel, Singapore sa December 6.

Seen : Nominado rin sa best supporting actor category ng Asian TV Awards ang Filipino character actor na si Art Acuna dahil sa performance nito sa The Kitchen Musical ng AXN-Asia Singapore.

Scene : Kinumpirma ni Kerry Kennedy na authentic at siya ang pumirma sa sulat na ipinadala niya kay Senator Tito Sotto. Pinagdudahan ni Senator Sotto na gawa-gawa lamang ng  detractors niya ang sulat mula sa anak ni US Senator Robert Kennedy na nagreklamo dahil sa pangongopya ng senador sa speech ng kanyang sumakabilang-buhay na ama.

Seen : Puspusan na ang rehearsals nina Karylle at Christian Bautista para sa Rama Hari, ang pop ballet musical  na base sa Indian epic na Ramayana, na itatanghal sa CCP Main Theater sa November 30 hanggang December 9.

Scene : Nagsimula noong first week ng November  ang taping nina Coco Martin at Gina Pareño para sa bagong TV show nila sa ABS-CBN. Kinunan ang mga eksena nina Coco at Gina sa Pakil, Laguna.

Seen : Ang shooting sa Amsterdam ng pelikula nina Coco Martin at Julia Montes. 

Scene : Ang report ng Box Office Mojo sa mga pelikula na ipinalabas sa Philippine theaters noong October 31 hanggang November 4. Mas mataas ang 2nd weekend gross ng A Secret Affair sa first weekend gross ng Suddenly It’s Magic.

 

A SECRET AFFAIR

ART ACUNA

ASIA SINGAPORE

BOX OFFICE MOJO

CHRISTIAN BAUTISTA

COCO MARTIN

DEREK RAMSAY

GABBY EIGENMANN

GINA PARE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with