^

PSN Showbiz

Sen. Bong nakaramdam ng selos!

PIK PAK BOOM! - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: May bagong indie film na natapos ni Eddie Garcia na mahalaga sa kanya dahil alay niya ito sa mga senior citizen kagaya niya, na ang pamagat ay Talo, Tabla, Panalo.

Kasama niya rito sina German Moreno at Boots Anson-Roa na may kanya-kanya ring kuwentong idinirek ni Neal Buboy Tan.

Tatlong episodes ito na kung saan tumatalakay sa kuwento ng mga matatanda na kung talo ba sila sa ending, tabla lang, o panalo.

Sabi ng producer nito na mag-asawang Tony at Amy Abarquez, hindi na nila iniisip na kumita sila, dahil alam nilang mga senior citizen ang manonood nito. Basta makagawa lang sila ng pelikula para sa mga matatanda at para na rin sa mga kabataang kailangang ma-realize kung ano ang gusto nilang mangyari pagtanda.           

Magkakaroon ng premiere night ang pelikulang ito sa Huwebes sa AFP Theater sa Quezon City.

PAK: Nagselos pala si Sen. Bong Revilla, Jr. sa kissing scene ni Rep. Lani Mercado kay Alvin Anzon sa pelikulang Flames of Love.

Sabi naman ni Lani, parang hindi na bagay sa edad nila ang ganung selosan dahil alam naman niya ang ginagawa niya.

Paliwanag pa ng actress-politician, kailangan talaga sa kuwento kaya pumayag siya pero hindi naman torrid, parang dampi lang.

Pero parang hindi pa rin nakumbinsi si Sen. Bong, kaya nag-aalangan ito kung sasama siya sa premiere night para panoorin ito.

Nang narinig ni Lorna Tolentino ang kuwentong ito, biglang na-miss niya si Rudy Fernandez na nagbabawal sa kanyang makipaghalikan sa leading man nito bukod lang kay Christopher de Leon.

BOOM: Totoo kayang nagkakalabuan na sina Rocco Nacino at Sheena Halili?

Sinubukan ng Startalk na interbyuhin si Rocco, tumanggi ito kung tungkol kay Sheena ang pag-uusapan.

Ayaw naman niyang magkomento kung ano ang nangyari pero nakakaduda dahil iniiwasan na niyang pag-usapan ang tungkol kay Sheena.

May problema kaya? Ang hirap niyan, hindi pa naman sila umaming naging sila.

Hindi kaya iniiwasan lang itong pag-usapan dahil sa Yesterday’s Bride na si Lovi Poe ang ka-partner?

vuukle comment

ALVIN ANZON

AMY ABARQUEZ

BONG REVILLA

BOOTS ANSON-ROA

EDDIE GARCIA

FLAMES OF LOVE

GERMAN MORENO

LANI MERCADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with