^

PSN Showbiz

Mga anak nina Gladys at Jaya close na rin, magkalaro habang nagtatrabaho ang mga mommy

PIK PAK BOOM - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ngayong araw na magsisimula ang bagong programang pang-misis ang Nay 1-1 na bagay na bagay sa mga host na sina Gladys Reyes at Jaya Ramsey.

Bago pa lang nagkatrabaho sina Gladys at Jaya, nagkasundo agad sila. Minsan ay dala-dala pa nila ang mga anak nila sa pag-iikot sa promo kaya pati ang mga anak nila ay parang naging close na rin. Sila rin kasi ang magkalaro habang nagtatrabaho ang mga mommy nila.

Mapapanood sa umaga ang Nay 1-1 pagkatapos ng Unang Hirit.

PAK: Walang kagatul-gatol si Miguel Tan Felix sa pag-amin na balak niyang ligawan si Barbie Forteza.

Magkasama sila sa Paroa, ang Kuwento ni Mariposa at doon lalong nakilala ng bagets ang young actress.

Binatilyo na si Miguel na galing sa StarStruck Kids at hindi maiwasang nagka-crush na ito. Pero inaamin niya talaga na gusto niya si Barbie at kapag may pagkakataon ay liligawan niya ang tween queen ng GMA 7.

 Alam naman niyang wala pa itong boyfriend kaya baka suwertehin naman siya.

BOOM: Congratulations sa mag-asawang Marco Alcaraz at Precious Lara Quigaman sa kanilang baby boy na isinilang nung Sabado ng mada­ling araw.

Kuwento ni Marco, medyo nahirapan si Precious Lara sa labor niya kaya nag-decide ang doktor na i-caesarian na ito.

Isang malusog na baby boy ang iniluwal nito na may timbang na 7.8 lbs. at pinangalanan nilang si Noah Lamar.

Sa totoo lang, matagal na nilang ini-expect ang panganganak ni Lara at natagalan nga ito.

Pero mabuti at safe naman ang panganganak nito kaya masayang-masaya ang mag-asawa.

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

GLADYS REYES

JAYA RAMSEY

KUWENTO

MARCO ALCARAZ

MIGUEL TAN FELIX

NOAH LAMAR

PERO

PRECIOUS LARA

PRECIOUS LARA QUIGAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with