Geoff nag-iipon na para sa magiging pamilya nila ni Carla
PIK: Magsisimula na ang bagong game show ng GMA 7 na kakaiba ang concept - magkakaroon ng masayang interaction ang mga contestants sa mga celebrity na kasali.
Maganda pa ang kumbinasyon ng mga host na tinatampukan nina Eugene Domingo, Jose Manalo, at Wally Bayola.
Sobrang kakaririn ito ni Eugene dahil wish naman niyang magtatagal pa ang mga programa niya sa GMA 7.
PAK : Muntik nang napili ang isang comedienne bilang isa sa mga host sa bagong morning show ng GMA 7 na Nay 1-1.
Kaya lang nung nagpa-screen test sila, OA sa pananapaw ang comedienne kaya hindi gaanong type ng isang host.
Nang sinubukan ang tandem na Gladys Reyes at Jaya Ramsey, swak na swak na parang matagal na silang magkapitbahay ang dating kahit ngayon lang sila nagkasama.
Kaya hindi na napagtalunan ng production staff, sina Gladys at Jaya na ang kinuhang hosts ng bagong programa na magsisimula na sa Lunes pagkatapos ng Unang Hirit.
BOOM: Naghahanap na pala ngayon ng bahay si Geoff Eigenmann na gusto niyang bilhin para sa sarili at magiging pamilya nito.
Hindi pa naman nila pinag-uusapan ni Carla Abellana ang mag-settle down pero para sa aktor, si Carla na ang perfect wife para sa kanya.
Kaya malaking bahay ang gusto nito dahil gusto niya ng maraming kuwarto, maraming mga batang nagkakagulo sa bahay. Kaya parang gusto nga niyang magkaroon sila ng maraming anak ni Carla.
Kaya todo ipon muna siya sa ngayon. Magsisimula na ito ng bagong afternoon drama sa GMA 7 na Forever na pagsasamahan nila uli ni Heart Evangelista.
- Latest