Angelica kilig na kilig tuwing mababanggit ang pangalan ni John Lloyd
SEEN : Kilig na kilig si Angelica Panganiban nang mapag-usapan ang kanyang boyfriend na si John Lloyd Cruz sa presscon ng 24/7 In Love. Wala si John Lloyd sa presscon dahil may taping siya sa Batangas.
SCENE : Kinunan sa Vietnam ang mga eksena nina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz sa 24/7 In Love. Sinasabing doon nagsimula ang relasyon ng dalawa.
SEEN : Sina Regine Velasquez at Venus Raj ang mga celebrity guest kagabi sa coronation ng Queen of Cebu, ang biggest beauty pageant para sa mga Filipino transgender na ginanap sa Grand Pacific Ballroom ng Waterfront Cebu Hotel and Casino.
SCENE : Boy Pick Up ang theme ng 1st birthday party ni Nate, ang panganay na anak nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Ginanap ang party ni Nate sa clubhouse ng Ayala Hillside, Quezon City.
SEEN : Perfect for Christmas ang magandang poster ng Thy Womb, ang pelikula nina Lovi Poe at Nora Aunor na official entry sa Metro Manila Film Festival 2012.
SCENE : Constant companion ni James Blanco sa mga showbiz event ang kanyang good friend, ang fashion designer na si Paul Cabral.
SEEN : Kung hindi pa nahuli ng Isabela Police, hindi aaminin ni Robert Ponce na siya ang nagsilid sa steel drum ng lifeless body ni Ruby Rose Barrameda na pinatay noong March 2007. Si Ruby ang kapatid ng aktres na si Rochelle Barrameda na nagpapasalamat sa Diyos dahil sa bago at malaking development sa imbestigasyon sa murder case ng kanyang kapatid.
- Latest