Janice humagulgol nang tanungin ni Gerald tungkol sa kasal!
MANILA, Philippines - Bumuhos ang emosyon ng actress-TV host na si Janice de Belen sa special birthday interview na ipalalabas ngayong Sabado (Nobyembre 10) sa Showbiz Inside Report ng ABS-CBN.
Sa espesyal na panayam ng kanyang anak sa Budoy na si Gerald Anderson, buong pusong inilahad ni Janice ang nilalaman ng kanyang puso bilang isang ina, aktres, at babaeng nagmamahal.
At nang tanungin si Janice ni Gerald kaugnay ng buhay pag-ibig nito at kung may balak pa itong magpakasal muli, hindi naiwasan ng aktres na mapaluha habang sumasagot.
“Siguro ang mission ko talaga sa mundo is to be a parent,” pahayag ni Janice. “Risk everything ako pagdating sa love. It’s supposed to be the best thing in the world pero dapat sarili mo muna ang mahalin mo.”
- Latest