^

PSN Showbiz

Pambabalahura sa mga Isla sa Pilipinas, bubusisiin ni Ted

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Talagang ‘It’s more fun in the Philippines!’ lalo na sa mga negosyanteng kumikita sa pamamagitan ng pagbabalahura sa kalikasan ng bansa. Ano nga ba ang pang-aabusong ito?

Iyan ang iimbestigahan ni Ted Failon ngayong Sabado (Nov 10) sa Failon Ngayon sa kanyang pag­busisi sa mga problemang ki­nakaharap ng mga islang ipinagmamalaki na­tin sa buong mundo.

Nito lang Hulyo ay ini-report ng programa ang pag-demolish sa bahagi ng Boracay West Cove na ilegal na naitayo. Ang dapat sana na gigibain ay 70% ng resort, pero hanggang ngayon ay hindi pa natutuloy ang demolisyon. Halos kalahating mil­yong piso raw ang magagastos ng lokal na pa­ma­halaan ng Boracay sa unang  phase pa lang ng demolisyon.

Nangangahulugang taong-bayan na naman ang gagastos para lang malinis ang “kalat” ng isang negosyante.

Pagdako naman sa Isla ng Panglao sa Bohol, tila nagkabuhol-bohol na rin ang mga paglabag sa batas ng ilang resorts doon.

Ang mga rip-rap o sinimentong bahagi kasi ng da­lampasigan sa Alona beach ay naglalakihan at halos makubkob na ang tabing-dagat.

Busisiin ang mga crown jewel ng Pilipinas tulad ng Isla ng Boracay, Puerto Galera at Panglao Island sa Bohol sa Failon Ngayon gayong Sabado (Nov 10), 4:45 PM sa ABS-CBN.

 

BOHOL

BORACAY

BORACAY WEST COVE

FAILON NGAYON

ISLA

PANGLAO ISLAND

PUERTO GALERA

SABADO

SHY

TED FAILON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with