Katuwaan at kalusugan babalansehin ng vitapops!
MANILA, Philippines - Ipinagtataka ba ninyo kung paano kumilos at mag-isip ang mga bata ngayon? Gustong-gusto nilang gawin ang mga bagay na nakakatuwa at nakakalibang pero nakakasama naman sa kanila.
Halimbawa na lang ang pagkahumaling nila sa mga junk food, matatamis at iba pang klase ng pagkaing walang dulot na sustansiya para manatiling malusog sila.
Isang hamon sa mga ina ang kung paano mahihikayat ang maliliit nilang mga anak na kumain ng masusustansiyang pagkain.
Ito ang dahilan kung bakit naglabas ang Unilab ng makabagong produktong magbabalanse sa katuwaan at kalusugan. Mula sa tagagawa ng Ceelin ay nilikha ang VitaPops, ang una at tanging pop rocks Vitamin C para sa mga bata. Para sa mga bata, isa itong bagong karanasan sa kanilang panlasa na kanilang hahanap-hanapin.
“Ikinalulugod namin dito sa Unilab na ilunsad ang bitaminang ito para ang pag-inom ng Vitamin C ay maging isang nakakatuwang karanasang hindi malilimutan,” sabi ni VitaPops Product Manager Joseph Aruta. “Bukod sa kakaiba nitong format, nasa isang single-dose sachet ang VitaPops kaya mas madali itong dalhin ng mga ina at ng mga bata. Meron itong 1/5 the sugar content at pinormulahan ng Sodium Ascorbate kaya tamang-tama lang sa tiyan.
Para bigyang-buhay ang karanasang ito, dinalhan ng Unilab ang mga bata ng isang klase ng oportunidad na matuto habang nagkakatuwaan. Ito ay sa pamamagitan ng VitaPops Wacky Science Fair na isinagawa sa SM Mall of Asia Music Hall.
Sa Wacky Science Fair ay nasiyahan ang lumahok na mga abta sa iba’t-ibang science experiment na nagtuturo at nagbibigay ng katuwaan. Kabilang sa tinamasa nilang mga aktibidad ang mula arts & crafts hanggang Vitapops Dash.
Inaliw din sila ng mga clowns, magicians, unicyclists, stilt walkers, bubble maker, ventriloquist at nanalo pa sila ng mga premyo.
- Latest