Para sa mga atat makita ang dating AI judge Jennifer, itinangging ipinasibak ang isang tauhan sa hotel na nanghihingi ng autograph
MANILA, Philippines - Sa Twitter lang nalaman ng American singer na si Jennifer Lopez na magkakaroon ng concert sa bansa na isang maid sa hotel sa Germany ang ipinatanggal umano niya sa trabaho dahil lang nangulit itong makakuha ng kanyang autograph ayon sa online report na lumabas kahapon.
Itinanggi ni Lopez ang akusasyon. “C’mon, thought you knew me better than this. Would never get anyone fired over an autograph. Ist I heard of this was on Twitter. #Hurtful,” sabi ng 43 anyos na singer sa kanyang Twitter account.
Ang maid na nakilalang si Pray Dodaj na nagtatrabaho sa Melia Dusseldorf sa Germany at nagsasabing tinanggal siya sa trabaho nang humingi siya ng autograph nito.
Ayon kay Dodaj, kumatok siya sa pinto ng kuwarto ni Lopez sa Dusseldorf para humingi ng autograph nito pero pinalayas siya ng dalawang assistant ng dating American Idol judge.
Nanabik bilang isang tagahanga si Dodaj nang siya ang ipadala para linisin ang kuwarto ni Lopez kamakailan at sinubukan niyang humingi ng autograph ng singer pero tinanggal siya sa trabaho kinabukasan makaraang magreklamo umano ang singer.
“I cleaned on her floor. And I am an incredibly big fan so I took all my courage and rang the bell to get an autograph,” sabi naman ni Dodaj sa German newspaper na Bild. “But I was rejected by two assistants at the door. A day later the cleaning company that employed me at the hotel called and said that Ms. Lopez had complained. I was fired right there on the phone! Because of an autograph!”
Pinanindigan naman ng hotel director na si Cyrus Heydarian ang desisyong tanggalin si Dodaj. Hindi anya nila pinapahintulutan ang mga empleyado na abalahin ang mga guest. “She has acted contrary to the contractual arrangements and disturbed the privacy of our guests,” ayon pa sa online report.
Nasa naturang bansa si Lopez para sa isang konsiyerto noong Oktubre 31 bilang bahagi ng kanyang European tour.
Dito sa ating bansa ay inaabangan na rin ang kanyang pagdating at sana ay magsilbi itong leksiyon sa mga atat magpa-autograph kay JLo. ‘Wag abalahin kung nagpapahinga dahil napapagod din naman sila. At lalong ‘wag kakatok sa kanyang hotel room para magpa-autograph or else baka mawala rin kayo ng trabaho.
Tayo pa namang mga Pinoy, walang pakundangan. Basta may paraan hala, bira lang nang bira.
Pero ibang level ang kasikatan ni JLO kaya bantay-sarado siya.
- Latest