Deserving na raw siya multi-awarded actor, naghahabol sa walk of fame!
Magsisimula na naman akong intrigahin at ang pinasimulan kong Walk of Fame Philippines. Magdiriwang na naman ng anibersaryo ang nasabing lugar sa Disyembre at may madaragdag na namang mga pangalan sa ilang daan ng pangalan na nakalagay na. Sigurado ako na marami na namang artista o mga kilalang tao, at hindi man sila ay mga kamag-anak nila ang magtatanong kung bakit hindi na naman nakabilang ang kamag-anak nila. At kung may balak man akong isama sila at kung kailan naman ito magaganap. May ‘k’ (karapatan) naman daw ang kamag-anak nila.
Para sa akin, lahat naman ng artista ay may ‘k’ na mapasama sa Walk of Fame Philippines. Lahat naman sila ay nakapag-ambag para sa ikauunlad ng industriya ng local entertainment. Ang problema ay hindi ko sila mapagsasabay-sabay. Napaka-laking gastos nun at sa bulsa ko nanggagaling ang gastos para rito. Bahagi ito ng pangarap kong makapagtayo ng isang City of Stars sa lungsod ni Mayor Herbert Bautista. This is the closest that I can fulfill my dream.
Sa susunod naman ‘yung mga iba. Kung sino ang ilalagay ko ay sarili kong desisyon yun. Lahat sila ay may ‘k’ ayon sa criteria na itinalaga ko. Wala itong favoritism, una-una lang. But I hope mailagay ko silang lahat.
May isa ngang aktor, multi-awarded siya na tinawagan ako para lamang itanong kung kailan ko siya isasama sa WOFP. Tama siya na karapat-dapat na siya, may napatunayan na siya. I told him he will have his time. Bata pa naman siya. Maghintay-hintay siya at pasasaan ba at makakasama rin siya. Hindi niya ako kailangang tawagan, nasa isip ko na siya. naintindihan naman niya at nagpasalamat na lamang siya in advance.
MARIAN MAHUSAY MAGING MARTIR
Napanood ko si Marian Rivera sa Temptation of Wife. Ang galing niya in fairness, huh! Ang hinihintay ko ay ‘yung magiging transformation niya mula sa isang pagiging martir na asawa hanggang sa isang mapaghiganting babae. Tingnan ko nga kung kaya niyang maging parang isang kontrabida na siyang magiging katauhan niya. Mahigitan kaya niya ang kasalbahihan ni Glaiza de Castro na talaga namang umaagaw ng eksena sa kanya sa serye?
CHRIS TIU HINDI LAPITIN NG MGA INTRIGA
Isa sa most loved na TV host si Chris Tiu. Ang daming umiidolo sa kanya, and yet, hindi umaangat ang paa niya sa lupa. Kahit hindi sa TV ay successful siya. Guwapo na sikat pa! Ang maganda kay Chris, hindi siya naiintriga, hindi nakakalkal ang pribado niyang buhay. Quiet lamang siya.
Ang daming aliw sa programa niyang I Bilib. Hindi ito boring sa kabila ng pagiging educational nito. Pero, totoo bang hanggang sa paghu-host lamang ito, walang hilig mag-artista?
- Latest