^

PSN Showbiz

Manny wala pang alam sa pagtigbak sa kanyang show John Estrada pinatay sa text, ama ang totoong namatay sa atake sa puso

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN : Ang amateur acting ni Tanya Garcia sa Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa. Fifteen years nang artista si Tanya ngunit hindi pa rin siya natututo na umarte.

SCENE : Hindi na aabot sa Jan. 13 ang Manny Many Prizes dahil mawawala na ito sa ere sa buwang ito. Hindi pa alam ni Rep. Manny Pacquiao ang kapalaran ng kanyang game show.

SEEN: Ang picture nila ng anak na si Lucho ang pang-buena mano ni Ryan Agoncillo sa kanyang bagong bukas na Twitter account, ang @RyanAgon-cillo.

SCENE: Pinatay si John Estrada sa mga text message noong Lunes ng gabi. Ang 65-year-old father ni John na si Vicente Estrada ang namatay dahil sa atake sa puso.

SEEN: Sa Nov. 17 ang pilot telecast ng Magpakailanman ng GMA 7. Itatapat sa Maalaala Mo Kaya ni Charo Santos-Concio ang nagbabalik-telebisyon na programa ni Mel Tiangco.

SCENE: Bukas ang first birthday celebration ng anak nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Gaganapin ang party ni Nate sa clubhouse ng Ayala Heights Quezon City.

SEEN: Ang appeal ni Derek Ramsay na huwag paniwalaan ang mga paninira na minura niya ang nanay ni Angelica Panganiban. Nalulungkot si Derek dahil sa mga paninira sa kanya mula nang lumipat siya ng TV station.

SCENE: Sold out ang tickets sa opening night ng God of Carnage, ang play nina Lea Salonga at ng Singaporean actor na si Adrian Pang na itinatanghal sa Singapore Repertory Theater. 

Nagsimula kagabi ang God of Carnage at mapapanood ito hanggang Nov. 25.

 

ADRIAN PANG

ANG KUWENTO

ANGELICA PANGANIBAN

AYALA HEIGHTS QUEZON CITY

CHARO SANTOS-CONCIO

DEREK RAMSAY

GOD OF CARNAGE

JOHN ESTRADA

LEA SALONGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with