Lorna nabigla sa intimate scenes na gagawin kay Dingdong
Bagama’t kung siya ang masusunod ay ayaw ni Kylie Padilla na magkaroon sila ng mga kissing scene ni Dingdong Dantes sa seryeng gagawin nila sa GMA 7 kapalit ng Haram, wala siyang magagawa kung hihingin siyang gawin ito sa istorya. Maging ang gaganap na nanay niya sa serye na si Lorna Tolentino ay nabigla rin nang malamang may mga intimate scene sila ni Dingdong.
First time niya itong gagawin with a much younger partner pero gagawin niya kung kinakailangan. That’s how professional she is.
Dingdong for his part ay susundin lamang ang hinihingi ng script sa kanya. This early sa istorya, ang alam lamang niya ay baka magkaroon sila ng affair ni LT pero ang talagang kapareha nito ay si Christopher de Leon. Ewan kung sino sa kanila ni Kylie o LT ang manghihiram ng sandali.
One True Love babawiin ang ending sa rewind
Kung ang Walang Hanggan ay hinihiritan ng part two at ang magsisilbing mga bida ay ’yung dalawang bata na nagkakilala sa ending, ang One True Love naman na may rewind sa umaga ay babaguhin din ang ending bilang pagbibigay sa kahilingan ng maraming nakapanood nito nung unang ipalabas ito sa gabi at lalo na ng mga nanonood nito ngayon sa umaga.
Obviously, ayaw ng mga manonood na Pinoy ang sad ending, ’yung ang mga bida ay namamatay kaya may posibilidad na pagbigyan sila ng Kapuso Network. Baka kung namatay si Elise (Louise delos Reyes) sa unang pagpapalabas ng One True Love ay ibitin na lang ang ending at bigyan ng pag-asa ang mga manonood o kaya naman ay buhayin na lang siya sa bagong pagpapalabas nito.
Bukod sa baka mapalitan ng ending ay magdaragdag ang network ng mga eksena na ikasisiya ng mga manonood para hindi mapagmukhang rewind o napanood na ’yung serye. Sina Louise at Alden Richards ay sa next year pa muling magkakaroon ng project together.
Going back to Walang Hanggan, it seems the viewers have not had enough of Coco Martin and Julia Montes kaya naman may follow up ito ng isang pelikula na nagtatampok sa dalawang kabataang bida sa serye.
Isabel mahahati na ang oras sa sinalihang rowing team
Marami ang hindi nakakaalam na athletic pala si Isabel Oli. Nag-try out pala ito kamakailan para mapasali sa Philippine Dragon Boat Team natin na kahit hindi suportado ng Philippine Olympic Committee ay patuloy pa ring sumasali sa mga international competition at madalas nananalo at nagbibigay ng dangal sa bansa.
Kapag natanggap dito ang aktres ay mababawasan ang pagtanggap niya ng showbiz commitments dahil panay ang practice ng mga miyembro nito na sasaliwa sa schedule niya ng taping o shooting. At kahit walang pupuntahang competition ang grupo ay hindi sila tumitigil na kapa-practice to keep fit and in shape at mapamalagi ang kabilang katayuan o posisyon sa nasabing sport.
- Latest