Pangakong tulong sa Eye Bank, tinupad ng Dolphy Foundation
Ayon kay Eric Quizon, ang presidente ng Dolphy Aid Para sa Pinoy Foundation, natupad ang pangako nilang magbibigay ng tulong sa Eye Bank Foundation of the Philippines.
Ito ang beneficiary ng ginawang tribute special na Dolphy, Alay Tawa: A Musical Tribute to the King of Comedy na idinaos sa SM Mall of Asia Arena noong Sept. 19.
Nag-donate sila ng tseke na nagkakahalaga ng P250,000 sa Eye Bank. Ayon kay Eric, napili nila ang foundation dahil gusto nilang makatulong sa mga taong gustong makakitang muli.
Young actress hindi marunong gumamit ng hand dryer
Nagkaroon ng intimate presscon ang isang aktor sa pelikulang ipalalabas sa susunod na taon. Kapareha nito ang isang magandang young actress. Nag-alisan na ang mga writer nang matapos ang presscon at naiwan ang young actress na magmemeryenda at iinterbyuhin pa ng dalawang writer.
Nang matapos kumain ay naghugas muna ito ng kamay pero ipinahid ang kamay sa blusa sa dakong ibaba. Hindi na ginamit ang hand dryer sa loob ng comfort room.
Nagtitinginan ang dalawang writer sa ginawa ng young actress na ayon sa kanila ay kulang din sa proper hygiene o baka hindi alam gumamit ng hand dryer.
Ang Dating Daan bongga ang 32nd anniversary
Magiging bongga ang selebrasyon ng 32nd anniversary ng Ang Dating Daan na idaraos ngayong araw sa ADD Convention Center sa Apalit, Pampanga.
At kabilang sa tatanggap ng plaque of recognition ay ang Movie Writers Welfare Foundation (MWWF). Kabilang sa mga miyembro nito ay ang inyong lingkod bilang pangulo, Ed de Leon (vice president), Pilar Mateo (secretary), Gerry Ocampo (auditor), Dennis Aguilar (treasurer), at members ng Board of Trustees na sina Virgie Balatico, Raymund Vargas, at Rino Fernan.
Layunin ng MWWF na ma-promote ang kalagayan ng entertainment press sa buong Pilipinas kaya naman regular ang pagdaraos nila ng medical-dental mission sa pakikipagtulungan sa UNTV ni Kuya Daniel Razon.
Kaya nagpapasalamat din ang MWWF sa UNTV dahil pagtitiwala.
- Latest