^

PSN Showbiz

Nagbebenta na rin ng mga gulay na walang chemicals: Sharon magre-retire na, titira na rin sa farm

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nagkaroon na naman ng Twitter war sa pagitan nina Sharon Cuneta at ang nagpakilalang fans ni Piolo Pascual. Tungkol pa rin sa breakup ng aktor at KC Concepcion ang sagutan sa Twitter.

Umiyak na naman si Megastar sa masasakit na sinabi sa kanya at muling nangakong hindi na niya papatulan ang kanyang haters next time. ’Kaloka lang dahil nagsimula sa harmless exchange of tweets with her followers ang lahat, ayun lumaki na. In the end, nag-sorry si Sharon sa followers niya sa pagpatol sa haters.

In another news, binenta na pala nina Sen. Kiko Pangilinan at Sharon ang bahay nila sa Wack-Wack, Mandaluyong City dahil sa Laguna na sila titira for good. Kundi December, January next year na sila lilipat at ang condo nila sa Makati City ang gagawing halfway house.

Nalulungkot ang fans ni Sharon nang mabasa sa Twitter ang balak na sa Laguna na sila manirahan pero ’yun din ang gusto ng kanilang mga anak dahil sa fresh air at tahimik. Saka malapit sa bahay nila sa Laguna ang nabili nilang farm sa may Alfonso, Cavite na tinawag nilang Sweet Spring Country Farm.

Kahit sa Twitter lang, feel ang tuwa ni Sharon nang ibalitang may mga alaga silang chickens, turkeys, pigs, and cows. Masaya rin nitong ibinalita na may stall sila sa Robinsons Summit Redge Tagaytay at galing mismo sa farm nila ang vegetables na kanilang ibenebenta. Nagsu-supply sila sa restos na malapit sa farm nila.

Pinoste din nito ang flyer ng kanilang farm kung saan nakasulat ang All-Natural no Chemicals Vegetables and Herbs. In fairness kay Sharon, ang dami nilang tanim ha?

Lalo pang nalungkot ang Sharonians sa tweet ni Sharon na “I am retiring in 4 years, the next 5 years after that, baka a concert here & there & a movie once in 2 years or something. But I’m napapagod na. Don’t worry, I’ll have a little B&B or whatever pa.”

Ogie may silver anniversary celebration din

Ilo-launch this Sunday sa Party Pilipinas ang bagong album ni Ogie Alcasid under Universal Records entitled The Songwriter and The Hitmakers. Part ang album ng 25th anniversary sa showbiz ni Ogie next year at may kasama itong TV special.

Kakaiba ang concept ng album dahil tampok ang compositions ni Ogie na kakantahin nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Sarah Geronimo, Jaya, Rachelle Ann Go, Jaya, Noel Cabangon, Piolo Pascual, Arnel Pineda, Richard Poon, Jed Madela, Kyla, Jay-R, at Kuh Ledesma. Siyempre kasama rin si Regine Velasquez-Alcasid. Hindi nga lang sinabi kung aling compositions ni Ogie ang kakantahin ng mga nabanggit, wait na lang natin ang release ng album.

Ito na ang most ambitious project ni Ogie dahil pinagsama-sama ang biggest performers in the country to sing his compositions. Nababanggit na ng singer-comedian ang tungkol dito at excited sa release ng kanyang double CD.

Vin Abrenica kabi-kabila agad ang trabaho

FB: Forever Barkada pala ang full title ng show ng winners ng Artista Aca­demy at iba pang produkto ng contest. Early next year daw ang airing nito at bukod dito, ilalagay din sina Vin Abrenica at Sophie Albert sa upcoming teleserye ng TV5.

Tinanong namin si Direk Marc Alejandre kung siya ang magdidirek ng FB: Forever Barkada at ’yung teleserye at parehong “hindi ko alam” ang sagot nito.

Habang hindi pa nagti-taping si Vin, uunahin muna nito ang recording ng kanyang five-track album. Last Friday ang bagong schedule ng recording niya sa first single na Konti Man Lang na sinulat ni Jimmy Bondoc.

Mga iniendorsong kaldero at iba pang gamit pang-kusina ng dalawang TV host-actress iniintriga ng mamimili

Nasa houseware department kami ng isang mall sa Quezon City nang marinig ang tsikahan ng dalawang housewives na namimili ng mga gamit sa kusina.

Tanong ng unang misis sa kasama, bakit mas mahal ang cookware line ng TV host-actress (TVHA1) sa isa pang TV host-actress (TVHA2)? Isa pang tanong ng unang misis, bakit naka-sale ang cookware line na ini-endorse ni TVHA 1 kesa kay TVHA2?
Walang maisagot ang kasama ni misis na nagta­taka rin siguro kung bakit mas mahal ang ini-endorse ng isa kesa isa. In fairness, parehong mabili ang mga ini-endorse na kaldero, frying pan, at kung anu-ano pang gamit pang-kusina.

vuukle comment

ARNEL PINEDA

ARTISTA ACA

BUT I

CHEMICALS VEGETABLES AND HERBS

DIREK MARC ALEJANDRE

FOREVER BARKADA

OGIE

PANG

PIOLO PASCUAL

VIN ABRENICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with